KMU kay Noynoy: Tama na ang babala, parusahan ang responsableng opisyal-militar
Error
Related posts
- KMU kay Noy: I-shock mo kami, kasuhan mo si Gloria
- As extra-judicial killings continue: Enough of warnings, punish responsible military officers, Noy told
- KMU kay Hontiveros: Rosales hindi ubra sa CHR
- Obrero kay Aquino: Dagdag-sahod, huwag kaligtaan
- KMU kay Noy: Palayain ang 43 health workers, detenidong pulitikal sa Day 1
“Masyado nang maraming babala ang natanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng extra-judicial killings sa bansa. Dapat may maparusahan na,” sabi ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ngayong araw sa harap ng pagbibigay ni Presidente Noynoy Aquino ng malabong babala sa militar.
Ayon sa KMU, mas mahina at malabnaw ang pahayag ni Aquino – na hindi pag-iibahin ng gobyerno “ang mga nagpapatupad sa batas pero lumalabag dito, at ang mga nasa labas ng batas” – kumpara sa mga rekomendasyon ng mga fact-finding mission sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
“Sa puntong ito kung saan itinuturo ng ebidensya ang militar bilang may kasalanan sa pagpatay sa mga aktibista, hindi nakakatulong sa paghanap ng katarungan ang pagbibigay ng mas mahinang babala. Ang dapat gawin ni Aquino, kagyat na parusahan ang mga opisyal-militar na nakatalaga sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga pagpaslang,” ayon kay Roger Soluta, secretary-general ng KMU.
“Matagal nang naghihintay ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino sa kanya na isulong ang katarungan para sa mga pagpaslang.”
Apat na aktibista na ang pinaslang simula Hunyo 30, kasama ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers na sina Edgar Fernandez at Mark Francisco (mula sa Masbate), ang coordinator ng Bayan Muna Partylist na si Fernando Baldomero (Aklan), at ang lider ng Anakpawis Partylist na si Pascual Guevarra (Nueva Ecija).
“Gustong ipakita ng presidente sa publiko na matama niyang inaaral ang mga isyu kaugnay ng mga pagpaslang. Dapat bilis-bilisan niya ang pag-aaral at umaksyon na. Nagsisimula nang tumambak ang mga bangkay ng mga aktibista, kaya hindi kapata-patawad na ipakita pa niya ang pag-aaral sa mga isyu,” sabi ni Soluta.
Pinansin ng KMU na naghahatid ang administrasyong Aquino ng magkahalong mensahe sa mga tao sa pangako nitong tutugisin ang mga may kagagawan sa extra-judicial killings at sa pangako nitong todong susuportahan ang mga operasyong militar.
“Batay sa mga pahayag niya sa militar, gumagawa ng malabong pahayag si Aquino kaugnay ng mga pagpaslang habang pinapasaya naman ang mga heneral. Nakakabagabag tingnan ito para sa mga mamamayang matagal nang kumokondena sa direktang pagkakasala ng AFP sa madugong digma sa mga di-armadong mamamayan,” sabi ni Soluta.
Idinagdag ni Soluta na patuloy na tinatakasan ni Aquino ang paghatol sa Oplan Bantay Laya, programang kontra-insurhensya ni dating Pangulong Gloria Arroyo, sa pagtugon sa pagpatay sa mga aktibista at kritiko ng gobyerno.
“Walang kwenta ang mga pahayag na lulutasin ang mga pagpaslang kung nananatili ang operation plan na nasa likod ng lahat ng ito.”
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 27 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed