KMU kay Noy: I-shock mo kami, kasuhan mo si Gloria
Error
Related posts
- Obrero kay Aquino: Dagdag-sahod, huwag kaligtaan
- KMU kay Noynoy: Tama na ang babala, parusahan ang responsableng opisyal-militar
- CJ Corona, ‘koronang tinik’ kay Noynoy
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- Giit ng obrero kay Aquino: P125 dagdag-sahod, unahing isabatas
“Gusto mo kaming i-shock? Iutos mo ang kagyat na paghahabla kay Gloria Arroyo sa SONA mo.”
Ito ang reaksyon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa pahayag ni Presidente Noynoy Aquino na masa-“shock” ang sambayanan sa natitirang pondo ng gobyerno. Ayon dito, ang mahalaga ngayon ay ang kongkretong hakbangin ng administrasyon para parusahan ang “pangunahing kawatan.”
“Wala na masyadong dating kung maglalantad muli si Presidente Aquino ng mga anomalya ni Gloria gayung komportable namang nakaupo ang dating pangulo sa plenary hall. Mas nakakagulantang kung malinaw na iuutos ni Aquino ang pagsasampa ng kaso kay Arroyo sa mismong harap niya,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Iyan na siguro ang pinaka-shocking na SONA sa kasaysayan ng bansa – at ayos lang, dahil pinaka-shocking naman ang rehimeng Arroyo sa huling karanasan ng bansa,” dagdag niya.
Ayon sa lider-manggagawa, matagal nang nagulantang ang mga manggagawa at mamamayan ng grabeng katiwalian, pampulitikang pagpaslang at lantarang pagbalewala sa maralita sa ilalim ng rehimeng Arroyo.
“Ang dapat gawin ni Aquino, iyung kasunod nang hakbangin para sa katarungan, ang paghahabla.”
“Kung mabibigo siyang mag-anunsyo ng kongkretong hakbang para parusahan si Gloria, titingnan ang mga expose niya na pagtatangkang iwasan ang paggawa ng kongkretong hakbangin habang nagpapanggap na kontra-Arroyo,” sabi ni Labog.
Parusahan si Palparan
Sinabi rin ng KMU na nananawagan ang mga manggagawa kay Aquino na parusahan ang mga notoryus na opisyal-militar na sangkot sa pagpatay sa mga aktibista, kasama ang “berdugo” na si Jovito Palparan.
“Noong 2006, pinuri ni Arroyo si Palparan sa SONA para sa paglulunsad ng madugong digma laban sa mga aktibista at karaniwang mamamayan. Umaasa ngayon ang mga manggagawa na kabaligtaran ang gagawin ni Aquino. Dapat iutos niya ang pagparusa kay Palparan kung ayaw niyang maakusahang ipinagpapatuloy niya ang kawalang-katarungan,” sabi ni Labog.
Itulak ang dagdag-sahod, reporma sa lupa.
Ayon pa sa grupo, pagkakataon ang SONA sa Lunes para mag-anunsyo ng mga priyoridad na hakbangin sa Kongreso. “Dapat malinaw na itulak ni Presidente Aquino ang pagsasabatas ng maka-mamamayang mga hakbangin tulad ng signipikanteng dagdag-sahod at pagpapatupad ng reporma sa lupa.”
Matagal nang panawagan ng KMU ang pagsasabatas ng P125 dagdag-sahod sa buong bansa, na hindi sinunod ng dalawang rehimen sa loob ng 11 taon. Laman ngayon ang panawagan ng House Bill 375 na isinampa ni Anakpawis Party-list Rep. Rafael “Ka Paeng” Mariano.
“Kung hindi niya mababanggit man lang ang mga kahilingan ng bayan na matagal nang idinadaing sa kanya, habang malakas ang panawagan para sa pagbabago, parang sinasabi ni Aquino na anim na taon muli ng kahirapan at kawalang-katarungan ang haharapin natin,” pagtatapos ni Labog.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 23 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed