KMU kay Hontiveros: Rosales hindi ubra sa CHR
Error
Related posts
- KMU to Hontiveros: Etta seriously flawed choice for CHR
- Keep red-baiter Etta Rosales away from CHR – KMU
- Babala kay Noynoy: Abogado ng Luisita, huwag italaga sa LTO
- KMU kay Noynoy: Tama na ang babala, parusahan ang responsableng opisyal-militar
- Ampatuan, iaabswelto ni Arroyo para guluhin ang halalan sa Mayo – KMU
“Hindi ubra” si Akbayan Rep. Etta Rosales para maging hepe ng Commission on Human Rights, sabi ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ngayong araw, bilang pagkontra sa sinabi ni dating Rep. Risa Hontiveros na “perfect” para sa pwesto si Rosales.
“Ang sagot namin kay Hontiveros: hindi ubra si Etta Rosales na maging hepe ng CHR. Naglabas si Etta at ang partylist niyang Akbayan ng mga pahayag na nag-uugnay sa mga ligal na organisasyon, na pangunahing target ng paglabag sa karapatang pantao, sa mga rebolusyunaryong organisasyong underground. Ito mismo ang ibinibigay na dahilan ng militar sa mga paglabag,” sabi ni Roger Soluta, secretary-general ng KMU.
“Totoo, biktima si Etta ng paglabag sa karapatang pantao noong diktadurang Marcos. Pero totoo ring naglabas siya at ang partylist niya ng mga pahayag laban sa mga organisasyong pinaka-puntirya ng mga paglabag sa karapatang pantao ngayon. Biased siya laban sa mga organisasyong ito at hindi talaga siya akma sa CHR,” dagdag ni Soluta.
Tinuligsa rin ng KMU si Hontiveros dahil sinabi nitong nagmumula ang pagtutol sa pagtatalaga kay Rosales sa “pagkadismaya” ng Communist Party of the Philippines, dahil tutol si Rosales sa mga “private army” gaya ng New People’s Army.
“Ayan na naman si Hontiveros, red-baiting na naman. Nanggaling ang pagtutol sa pagtalaga kay Etta sa mga ligal na organisasyon tulad ng Karapatan, Anakbayan at KMU, hindi sa CPP. Gusto niyang magmukhang ismarte pero hindi niya mapag-iba ang mga organisasyong ligal sa mga underground. Malinaw na may ideolohikal na galit siya sa mga grupong ito,” sabi ni Soluta.
“At bakit tayo dapat maniwala sa mga pahayag ng taong ang tawag sa NPA ay private army? Muli, linya iyan ng militar sa NPA, na ginagamit nito para bigyang-katwiran ang todo-gera nito laban sa grupo – at ang pagpaslang nito sa mga inaakusahan nitong tagasuporta ng NPA. Lehitimong organisasyong rebolusyunaryo ang NPA, hindi isang private army,” dagdag niya.
Ayon pa sa lider-manggagawa, dahil sa desperasyon ni Hontiveros na maitalaga sa CHR si Rosales, hindi na niya makita nang obhetibo ang isyu.
“Sa prangkang pananalita, walang tiwala kay Etta ang mga organisasyong target ng mga paglabag sa karapatang pantao. Sana may delicadeza man lang ang dalawang dating kinatawan ng Akbayan at itigil na ang pagtulak na maitalaga si Etta. Ano bang hindi nila nauunawaan sa ‘Ayaw namin kay Etta sa CHR’?” tanong ni Soluta.
“Ang problema, tila nagiging desperado na ang Akbayan na makakuha ng pwesto sa gobyerno ang mga lider nito bilang kabayaran sa pagsuporta nila kay Presidente Noynoy Aquino nitong eleksyon. Desperado nilang itinutulak si Etta kahit pa masagasaan ang mga grupong dapat pangunahing pakinggan sa isyu,” pagtatapos ni Soluta.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 22 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed