Skip to main content

KMU, duda sa imbestigasyon ni Davide sa fertilizer scam

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileF4ES3R could not be copied.

Matapos magpahayag ni dating Agriculture secretary Luis “Cito” Lorenzo ng kahandaang makipagtulungan sa imbestigasyon sa P728-milyong fertilizer fund scam, nagpahayag ng pagdududa ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa resulta ng imbestigasyong pamumunuan ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr.

Pamumunuan ni Davide ang Truth Commission na itinayo ni Presidente Noynoy Aquino para umano imbestigahan ang mga krimen ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

“Lumilikha ang pahayag ni Lorenzo ng impresyong tambak na ang trabaho ng Truth Commission bago pa man ito magpulong. Pero dapat unahin ang dapat unahin: dapat tugunan muna ang mga reserbasyon sa pagtatalaga kay Davide bilang hepe ng komisyon. Kung hindi, magkakaroon ng matinding pagdududa sa resulta ng imbestigasyon ng komisyon,” sabi ni Lito Ustarez, executive vice-chairman ng KMU.

Inulit ng KMU ang pagtutol nito sa pagkakatalaga kay Davide bilang hepe ng Truth Commission. Ayon dito, hindi tinuligsa kahit kailan ng dating Punong Hukom si dating Pangulong Arroyo at itinalaga pa nga ito sa isang pwesto sa United Nations.

“Itinalaga si Davide bilang hepe ng Truth Commission dahil umano sa kanyang ‘integridad’ at pagiging ‘nyutral.’ Pero bilang personalidad, paano ka magkakaroon ng ‘integridad’ kung hindi mo tinuligsa kahit kailan si Arroyo sa dami ng kasalanan niya? Paano ka masasabing ‘nyutral’ kung itinalaga ka ni Arroyo sa isang espesyal na posisyon?” tanong ni Ustarez.

“Hangga’t hindi nasasagot ang mga tanong na ito nang malinaw, titingnan ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino ang pagkakatalaga kay Davide bilang isa na namang pampulitikang pabor na bigay ni Presidente Aquino. Mas masahol, pwede itong tingnan na senyales na handa ang gobyernong Aquino na palusutin si Arroyo sa marami at matitindi niyang krimen,” dagdag ni Ustarez.

Tinuligsa rin ng lider-manggagawa ang pahayag ni Presidente Aquino na “recommendatory” lang ang resulta ng Truth Commission.

“Ano ba talaga, kuya? Noong una, idinidiin mo ang halaga ng Truth Commission. Isinama mo pa nga sa inauguration speech mo. Pagkatapos, noong kinukwestyon ang pagkakatalaga ni Davide, sinasabi mong ‘recommendatory’ lang ang resulta ng komisyon. Pinapaasa mo ba kami sa wala?” ani Ustarez.    

 

 

Reference Person: 
Lito Ustarez, KMU executive vice chairman
Contact information: 
0908-6491992

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments