Skip to main content

Di lang si Trillanes ang biktima ng kawalang-katarungan; detenidong pulitikal palayain – KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filevFwglM could not be copied.

Dahil hindi lang umano si Sen. Antonio Trillanes IV ang biktima ng kawalang-hustisya ng rehimeng Arroyo, ipinahayag muli ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang panawagan nito kay Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III na kagyat na umaksyon para palayain ang mga detenidong pulitikal, kasama ang isang lider nito at ang 43 health workers.

Ito ang reaksyon ng KMU sa pahayag ni Presidente Aquino na “posibleng biktima ng kawalang-katarungan” si Sen. Trillanes, at sa kanyang direktiba kay Justice Secretary Leila de Lima na maglunsad ng “masinsing pagrepaso” sa kaso ng opisyal ng Magdalo – mga hakbanging magpapabilis sa paglaya sa piitan ng senador.

”Mga biktima rin ng kawalang-hustisya ang mga aktibistang iligal pa ring nakadetine. Kung seryoso si Presidente Aquino na baligtarin ang mga kawalang-katarungan ng pinalitan niya, dapat siyang umaksyon ngayon para palayain na sila,” ani Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.

”Marami sa mga detenidong pulitikal sa bansa natin, inaresto gamit ang mga pekeng warrant, sinampahan ng gawa-gawang kaso, napailalim sa usad-pagong na takbo ng korte, at di-makatarungang nabubulok sa kulungan. Wala nang dahilan para manatili pa sila sa piitan,” dagdag ni Labog.

Ihinalimbawa ni Labog si Vincent “Ka Bebot” Borja, regional coordinator sa Eastern Visayas ng KMU, na iligal pa ring nakadetine sa Tacloban City Jail ngayon. Inaresto at idinetine noong Mayo 2007 si Borja ng 802nd Infantry Brigade ng militar, gamit ang pekeng arrest warrant na batay sa gawa-gawang kaso ng pagpatay.

”Inaresto at idinetine si Borja dahil masigasig siyang kampanyador laban sa mga patakarang kontra-manggagawa at kontra-mamamayan ni Arroyo. Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga manggagawa at iba pang inaaping sektor. Hindi siya kriminal,” sabi ni Labog.

Iligal pa ring nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang 43 i na iligal na inaresto ng militar at pulisya sa Morong, Rizal.

”Dapat palayain ni Presidente Aquino si Borja, ang 43 health workers at iba pang detenidong pulitikal. Kung hindi, maaakusahan siyang nagpapatuloy sa kawalang-katarungang gawa ng kanyang pinalitan,” sabi ni Labog.

Sinisi ng sentrong unyon ang rehimeng Arroyo sa pagkakadetine ng marami sa mga bilanggong pulitikal ng bansa. Ihinalimbawa nito ang pagdeklara ng nakaraang administrasyon ng paglulunsad ng “opensibang ligal” laban sa mga personalidad na binansagan nitong komunista at kriminal, gayundin ang paglikha sa Inter-Agency Legal Action Group (Ialag) sa pamamagitan ng Executive Order 493. 

”Binuwag na nga ang Ialag noong Mayo 2009, bilang tugon sa mga panawagang buwagin na ito, pero ang mga kawalang-katarungang ginawa nito, hindi pa rin nababaligtad. Tulad ni Trillanes, ibinibilanggo ang mga detenidong pulitikal para sa mga umano’y krimen na inimbento ng rehimeng Arroyo para pahirapan at ikulong ang mga kritiko nito,” pagtatapos ni Labog. 

 

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU chairperson
Contact information: 
0908-163-6597

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments