Pagbaha ng imported na asukal, itigil – KMU
Error
Related posts
Tinuligsa ngayong araw ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang panibagong pag-anunsyo ng gobyerno na mag-iimport ito ng 150,000 metriko toneladang asukal para umano punuan ang kakapusan ng asukal sa bansa. Ayon sa grupo, “lulunurin” ng hakbanging ito ang kabuhayan ng mga magsasaka at maliliit na retailer, at papalalain nito ang krisis sa asukal.
“Matapos magdusa sa El Niño, lalong mananakawan ng kabuhayan ang mga magsasaka dahil sa mas malaking pagbaha ng inangkat na asukal na walang taripa. Lalo lang din madidiktahan ng pandaigdigang pamilihan ang presyo ng asukal sa bansa,” ayon kay Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Isa na naman itong dagdag sa mapait na pamana ng gobyernong Arroyo sa mga Pilipino,” dagdag niya.
Ayon kay Labog, lalong ipinapakita ng kakapusan ng asukal, na nasa 210,000 metriko tonelada, ang pagkabigo ni Arroyo na buhayin ang naghihingalong agrikultura sa bansa, gayundin ang pagiging sunud-sunuran nito sa di-makatarungang kalakalan ng asukal sa mundo.
Ayon sa KMU, nage-eksport pa rin ang Pilipinas ng tone-toneladang asukal sa ibang bansa sa kabila ng problema sa produksyon ng asukal. Nitong nakaraang buwan, tinaasan ng US ang export quota sa asukal ng bansa at ginawa itong 181,437 metriko tonelada – kahit apektado ang lokal na agrikultura ng tagtuyot.
“Para maibsan ang krisis sa asukal, dapat itigil ng papasok na administrasyong Aquino nag pag-eeksport ng asukal sa US, sa halip na sundin ang plano ni Arroyo na mag-import ng 150,000 metriko toneladang asukal,” ani Labog.
“Hamon ito kay Noynoy Aquino, na palayain ang bansa sa pagsakal ng di-makatarungang kalakalan sa asukal na dinodomina ng US, lalo na’t galing siya sa pamilya ng mayayamang asendero ng asukal,” dagdag niya.
May-ari ang pamilya ni Aquino ng 6,000-ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlac, na ilang dekada nang nakakaligtas sa reporma sa lupa.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 23 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed