Skip to main content

Obrero, tiniyak kay Arroyo: Hindi ka matatahimik

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filed090F7 could not be copied.

Iyun ang akala niya.

Ito ang reaksyon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa mensahe ng pamamaalam ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo nitong Hunyo 23, kung saan sinabi niyang tumatanaw siya ng isang “mas tahimik na papel pampubliko.”

“Iyun ang akala niya. Akala niya, pwede siyang basta na lang magkaroon ng mas tahimik na buhay-publiko. Pero napakatindi at napakarami ng mga krimen niya sa mga manggagawa at mamamayan. Sa ngalan ng katarungan, hindi natin mapapahintulutan siyang magkaroon ng mas tahimik na buhay-publiko matapos maging pangulo,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.

“May mga taong namatay dahil sa patakarang kontra-insurhensya niya. May mga taong namatay, nagutom at naging mas mahirap dahil sa mga patakarang pang-ekonomiya niya. Nawala ang pera ng taumbayan dahil sa katiwalian sa gobyerno niya. Nawasak ang mga institusyon ng gobyerno dahil sa pagkapit-tuko niya sa poder. Pero may kapal siya ng mukha na sabihing tumatanaw siya ng mas tahimik na buhay-publiko? Imposible,” dagdag ni Labog.

Ayon sa KMU, ipinapakita ng talumpati ng pamamaalam ni Arroyo na may “delusyon” pa rin ang outgoing president na mabuti ang ginawa niya para sa bansa.

“Gusto ni Arroyo na tumingin tayo sa paligid at tingnan daw ang mukha ng pagbabago. Nagdedelusyon na siya. Nakikita lang niya ang gusto niyang makita. Sa likod ng mga pagbabago sa imprastruktura, nariyan ang mga taong mas gutom at mas hirap. Ang pamana ng kanyang rehimen: barat na sahod, malawakang disempleyo, walang katiyakang trabaho, at panunupil sa pagawaan. Isang public display of delusion ang nakita natin kagabi,” sabi ni Labog.

Ayon pa sa lider-manggagawa, ipinapakita ng “aroganteng pagtatanggol” ni Arroyo sa kanyang nagawa na patuloy na magiging “sakit ng ulo” sa ika-15 Kongreso ang papasok na kongresista para sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino.

“Tulad ng inaasahan, aroganteng ipinagtanggol ni Arroyo ang nagawa niya – walang pagkilala na may nagawa siyang mali. Maaasahan samakatwid na magiging sakit pa rin siya ng ulo ng mga manggagawa at mamamayan. Itutulak pa rin niya ang mga kontra-mamamayan at kontra-manggagawang patakaran sa Kongreso,” ani Labog.

“Magiging target pa rin siya, samakatwid, ng galit ng mga manggagawa at mamamayan. Hindi niya makukuha ang mas tahimik na buhay-publiko na gusto niya,” dagdag ni Labog. 

 

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU chairperson
Contact information: 
0908-163-3597

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments