Skip to main content

Kondenahin ang Pagpatay kay Edward Panganiban!

Madiin naming kinokondena ang pagpaslang kay Edward Panganiban, lider-manggagawa sa rehiyong Timog Katagalugan. Naghahanap siya ng masasakyan papuntang trabaho noong binaril at napatay siya ng mga kalalakihang lulan ng motorsiklo bandang 5:20 ng hapon sa Barangay Caingin, Sta. Rosa, Laguna nitong Hunyo 3. Namatay siya agad, matapos magkaroon ng pitong sugat sa bala. 

Kalihim si Panganiban, 27, ng independyenteng Samahan ng mga Manggagawa sa Takata. Limang taon na siyang empleyado ng Takata Philippines Corporation, na gumagawa ng mga airbag at seatbelt ng kotse at matatagpuan sa Laguna Techno Park. 

Bagamat independyente ang unyong pinapamunuan niya, nagpanatili si Panganiban ng magandang ugnayan sa aming pormasyon sa Timog Katagalugan, ang Pamantik o Pagkakaisa ng Samahan ng Manggagawa sa Timog Katagalugan. Bilang matapat at tunay na lider-obrero, nakipagkaisa siya sa mga organisasyon sa sektor ng paggawa na nagtataguyod ng militante at makabayang unyonismo. 

Ipinapakita ng pagkamatay niya na handa ang rehimeng US-Arroyo na paslangin hindi lang ang mga lider, organisador at aktibista ng KMU. Handa rin itong paslangin kahit ang mga independyenteng lider-manggagawa na nagpapakita ng katapatan at tunay na pamumuno sa paglaban para sa karapatan ng mga manggagawa. Para sa rehimeng US-Arroyo, lumalabas na ang mabuting unyonista ay dapat maging patay na unyonista.

Tinatawag ng pagkamatay niya ang atensyon ng publiko sa napaka-mapanupil na atmospera sa mga special economic zonestulad ng Laguna Techno Park. Napatunayan na ng mga sentrong ito ng mura at kontraktwal na paggawa na sentro rin sila ng pagdurog sa mga unyon – at nagiging paborito na ang ekstrahudisyal na pagpaslang sa mga armas nila kontra sa mga unyonista.  

Lalong pinapatampok ng pagkamatay niya ang kalupitan ng rehimeng US-Arroyo at ng mga bayaran nito sa militar. Naglulunsad pa rin sila ng ekstrahudisyal na pagpaslang kahit nakatakda na silang palitan ng bagong rehimen sa mga darating na araw. Si Gng. Arroyo mismo ang nagbigay ng hudyat sa pagpaslang sa mga unyonista noong binansagan niya kaming mga “terorista sa paggawa.”

Idinidiin ng pagkamatay ni Panganiban ang napakalalaking hamon na nakatambad sa papasok na rehimen ni presumptive president-elect Noynoy Aquino. Hindi lang siya dapat manatiling walang bahid ng korupsyon, dapat din niyang baligtarin ang mga patakaran ni Arroyo. Sa larangan ng karapatang pantao, dapat niyang kagyat na pigilan ang ekstrahudisyal na pagpaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao. 

Nilalagyan ng pagkamatay ni Panganiban ng isa na namang bantas-panamdam ang panawagan para sa katarungan, na parusahan si Arroyo para sa kanyang napakaraming malulubhang krimen sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Isa lang ang pag-uutos at pagpondo sa ekstrahudisyal na pagpaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa napakarami niyang malulubhang krimen. Dapat siyang makulong para sa lahat ng ito. 

Naganap ang pagpaslang na ito sa panahong nagpupulong ang International Labor Conference sa ika-99 na sesyon nito, tinatalakay ang mga karapatan sa pag-uunyon. Samantala, nakatakdang magpulong sa Hunyo 3 ang Committee on Freedom of Association. Sisikapin naming madala ang isyu ng pagpaslang kay Panganiban sa mga larangang ito para lumikom ng pandaigdigang suporta sa ating paglaban sa ekstrahudisyal na pagpaslang.

Isa na namang patunay ang kasong ito ng kawalang-respeto ng rehimeng US-Arroyo sa International Labor Organization Convention 87 (Freedom of Association and Protection of the Right to Organize) at 98 (Right to Organize and Collective Bargaining) – na siyang dahilan ng pagpapadala ng ILO ng high-level mission sa bansa noong nakaraang taon, na sinalubong naman ng rehimen. 

 

Reference Person: 
Lito Ustarez, executive vice-chairperson
Contact information: 
0908-6491992

Comments

#1 hustisya kay edward

hustisya kay edward panganiban!!!
kaming mga kaibigan nya ay tunay na nangungulila sa kanyang pagkawala..isa syang mabuting kaibigan .kahangahangang tao at tunay na makatao.

-di namin makakalumutan ang tulad nya at mga pinagsamahan alalang naiwan nya..

tunay na kaibigan kanino man..

edward , ang iyong pagkawala ay may kabuluhan,,marami sayong humahanga at tunay na di ka namin makakalimutan..napakabuti mo..

ang dyos na ang bahala ,,syang tunay na maghahatol lalo sa wlang awang gumawa sa iyo. nyan.

sama-sama tayong.magtulungan para sa mabilis na katarungan ganun din sa mga kasamang naging biktima din na brutal na papaslang..

dakila ka kaibigan EDWARD..

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments