KMU sa P22 dagdag-sahod sa NCR: masyadong kaunti, huli
Related posts
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- Pagtaas ng matrikula, dagdag pasanin sa harap ng nagtataasang presyo, napakong sahod – KMU
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- Media blitz ng TUCP-DOLE sa dagdag-sahod, gasgas nang palabas -- KMU
- Sa halip na maluhong patalastas, kampanya; Hamon ng obrero kay Arroyo, Kongreso: itaas ang sahod, P125
Tinuligsa ngayong araw ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang pag-apruba sa P22 dagdag-sahod sa Metro Manila. Ayon dito, masyadong kaunti at masyadong huli ang pagtaas para sa mga manggagawang ginigipit ng nagtataasang presyo.
Masyadong kaunti at huli ang P22 dagdag-sahod para sa mga manggagawa. Ni hindi nito tutulungan ang mga manggagawa na umangkop sa nagtataasang presyo ng mga bilihin. Kahit ang huling P15 pagtaas ng Hunyo 2008, ganoon din noong inaprubahan. Todong nagtaasan ang presyo ng mga bilihin simula noon, lalo na noong sumipa ang pandaigdigang krisis sa pinansya at ekonomiya sa huling quarter ng 2008,” ani Lito Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU.
“Ang presyo ng mga produktong petrolyo pa lang, halimbawa, ay grabe-grabe na ang pagtaas. May malaking epekto ito sa presyo ng mga batayang bilihin. Bigas, asukal, harina, karne, gulay – lahat ng ito, naging laman ng balita dahil sa pagtaas ng presyo,” dagdag ni Ustarez.
Tinuligsa rin ng KMU ang gobyernong Arroyo para sa pagtataas ng minimum na sahod sa Metro Manila lang.
“May isa pang dahilan kung bakit masyadong kaunti ang pagtaas: paano naman ang mga manggagawa sa labas ng Metro Manila? Ipinapakita ng barya-baryang pagtaas na maliit lang talaga ang pagpapahalaga ng rehimeng Arroyo sa papel ng mga manggagawa sa paglikha ng yaman ng bansa. Ipinapakita rin ng pagtaas sa Metro Manila lang na lalong mas maliit ang pagpapahalaga nito sa mga manggagawa sa mga probinsya,” sabi ni Ustarez.
“Ginagamit lang ng rehimeng Arroyo at malalaking negosyante ang Metro Manila bilang showcase. Gusto nilang masabing tinaasan nila ang minimum na sahod – kahit maliit at huli na – at maliitin ang paglaban ng mga grupo ng manggagawa na nakatakdang manawagan sa papasok na rehimeng Aquino na magsabatas ng P125 dagdag-sahod across the board,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Ustarez na may hindi magandang na “sense of timing” ang gobyernong Arroyo pagdating sa pagtataas ng sahod.
“Maliit na nga ang dagdag-sahod, hindi pa ibinigay ng rehimen sa Araw ng Paggawa, dahil magbibigay ng impresyong tumalima ito sa gusto ng mga manggagawa. Inaprubahan ito ng rehimen ilang araw bago ang pasukan, kung kailan nakabayad na – o nakapangutang na – ang mga manggagawa para sa enrollment ng aming mga anak,” sabi ng lider-obrero.
“Siguro, alam talaga ng rehimeng Arroyo at malalaking negosyante na ubra lang ang maliit na P22 dagdag-sahod para sa gastusin pagkatapos ngenrollment – sa maliit na pagtaas ng araw-araw na baon ng mga anak,” sabi ni Ustarez.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 18 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed