Skip to main content

KMU kay Noy: Tumindig sa tanggalan sa PAL, ABS-CBN

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileH1IiBj could not be copied.

Iginiit ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno na tumindig si President-elect Noynoy Aquino sa harap ng kaliwa’t kanang tanggalan sa malalaking kumpanya sa bansa, lalo na sa Philippine Airlines at ABS-CBN Corp, ilang araw bago ang kanyang panunumpa.

“Ngayon ang panahon para magsalita si Noynoy sa nagbabantang delubyo sa mga manggagawa ng PAL at ABS-CBN. Hindi na sila makapaghihintay pa hanggang June 30 dahil maaari na silang masibak sa trabaho anumang oras ngayon,” ani KMU chairperson Elmer “Bong” Labog.

“Ipinangako ni Noynoy at nakasaad mismo sa kanyang plataporma ang paglikha ng trabaho. Panawagan ngayon ng mga manggagawa na tuparin niya ang pangako niya. Direkta niyang tutulan ang mga iskemang magdudulot ng masaker ng kabuhayan at mamagitan siya sa PAL at ABS-CBN,” dagdag niya.

Inilabas ni Labog ang pahayag habang daan-daang empleyado ng PAL ang tumungo ngayon sa bahay ni Aquino sa Times St. para ipanawagang tutulan niya ang planong tanggalan ng PAL, at habang naglulunsad ang mga manggagawa ng ABS-CBN ng serye ng piket sa labas ng kumpanya.

Nahaharap ang mahigit 2,600 empleyado ng PAL sa tanggalan matapos aprubahan ng Department of Labor and Employment nitong June 15 ang planong spin-off at outsourcing ng kumpanya sa Call Center Reservations, In-Flight Catering at Airport Services papunta sa third-party service providers.

Samantala, 25 miyembro ng ABS-CBN IJM Workers Union, kasama ang pangulo nito, ang tinanggal sa trabaho noong nakaraang linggo matapos kanselahin ng kumpanya ng mga Lopez ang kanilang schedule at hadlangan ang pag-akses nila sa mga kagamitan at erya ng kumpanya. Nahaharap ang 1,400 manggagawa ng ABS-CBN IJM sa tuluy-tuloy na panghaharas, pagbuwag sa unyon, at banta ng kontraktwalisayon.

“Bahagi ang kontra-manggagawang mga iskemang ito sa PAL at ABS-CBN ng pangit na rekord ni Arroyo, na pwedeng baligtarin agad ni Aquino kung itataguyod lang niya ang karapatan ng mga manggagawa at kokontrolin niya ang pagkaganid ng mga kapitalista.

“Pero kailangan na ang kagyat na tugon ni Aquino sa panawagan ng mga manggagawa. Pwede kasing libu-libong tao ang sumalubong sa kanyang administrasyon nang walang pagkukunan ng kita para sa kani-kanilang pamilya, taliwas sa ipinangako niyang ‘pagbabago’ noong eleksyon,” sabi ni Labog.

Ayon sa KMU, hamon ang usapin ng mga manggagawa sa PAL at ABS-CBN, na parehong kasama sa nangungunang 100 korporasyon sa bansa, sa komitment ni Aquino – kung siya ba ay para sa mga manggagawa at mamamayan, o para sa malalaking negosyong sumuporta sa kanya noong halalan.

“Dapat malinaw ang tindig ni Aquino sa tanggalan sa PAL at ABS-CBN. Dapat siyang tumindig para sa mga manggagawa at mamamayan, na umaasang babaligtarin niya ang malulupit na patakarang kontra-manggagawa ng sinundan niya.

“Kapag nabigo si Noynoy na iligtas ang mga manggagawa ng PAL at ABS-CBN sa hindi makatarungang mga hakbanging pangnegosyo, tutungo ang mga manggagawang Pilipino sa pagkadisilusyon sa kanya, hindi sa katarungan,” pagtatapos ni Labog.

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU chairperson
Contact information: 
0908-163-6597

Comments

#1 salamat sa KMU...Mabuhay po

salamat sa KMU...Mabuhay po kayo!!! at lahat ng uring MANGGAGAWA!!!

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments