Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
Related posts
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- Mula EDSA 1: Minimum na sahod, tumaas lamang ng P172; Regional wage boards nagbunsod ng barya-barya, kalat-kalat na wage hike
- KMU sa P22 dagdag-sahod sa NCR: masyadong kaunti, huli
- Obrero kay Aquino: Dagdag-sahod, huwag kaligtaan
- Giit ng obrero kay Aquino: P125 dagdag-sahod, unahing isabatas
Galit pa rin sa inaprubahang P22 dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila ng NCR Wage Board, “ikinandado” ng mga manggagawa sa pamumuno ng Kilusang Mayo Uno ang opisina ng board sa Maynila. Nanawagan silang buwagin ang lahat ng wage board sa bansa.
“Matapos ang dalawang taon ng walang tigil na pagtaas ng presyo at pagbarat sa sahod, iniinsulto kaming mga manggagawa ng mga wage board sa pagbibigay ng kakarampot na P22 dagdag – at sa Metro Manila lang,” sabi ni Joselito “Lito” Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU.
Sabi ni Ustarez, noong 2009, lumobo nang P358 bilyon ang pinagsamang kita ng malalaking kumpanya, ayon mismo sa Philippine Stock Exchange. Samantala, walang ni isang kusing na pagtaas sa sahod sa nasabing taon.
“Muli, nakikita ng mga manggagawa at mamamayan ang katangian ng mga wage board na ito: armas ng mga kapitalista para panatilihing mababa ang sahod. Talagang aksaya lang sa oras ang magsampa rito ng petisyon para sa dagdag-sahod,”
“Kaya nga dapat silang buwagin. Naglilingkod lang sila sa interes ng mga kapitalista na umiwas sa panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa,” dagdag niya.
Ayon sa KMU, itinatag ang Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPB) noong 1989 para “i-rationalize” ang mga sahod – ibig sabihin, i-regionalize ang sahod at paglaki nito, pasunurin ito sa “market forces” sa bawat rehiyon. Binago ng paglikha sa kanila ang dating pagtatakda ng sahod at pagtaas nito sa pambansang antas – sa pamamagitan ng batas na inaprubahan ng Kongreso at presidente.
“Ginamit lang ang regional wage boards ng gobyerno at mga kapitalista bilang armas para hatiin ang mga manggagawa at pahinain ang panawagan para sa dagdag-sahod na across the board sa buong bansa,” ayon sa lider-obrero.
Sinabi pa ni Ustarez na tumatanggi ang KMU na ituon ang panawagan para sa dagdag-sahod sa kahit anong regional wage board dahil ipinapakita ng rekord nito ang matinding pagkiling na kontra-manggagawa at maka-kapitalista sa usapin ng dagdag-sahod.
“Sabi ng mga wage board, ang misyon nila ay ‘tiyakin ang disenteng pamumuhay ng mga manggagawa at kanilang pamilya.’ Kasinungalingan ito. Sa mahigit 20 taon, ginawang malayo sa disente ng mga wage board ang pamumuhay namin,” sabi niya.
Simula 1989, nagbigay lang ang mga wage board ng karaniwang (average) pagtaas na P10.75, na hindi man lang humahabol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kada taon.
Ayon sa lider-manggagawa, mas gugustuhin pa nilang bumalik sa status quo ante, noong itinatakda ang sahod at pagtaas ng sahod sa pambansang antas.
“Syempre, nahirapan din kaming makakuha ng makabuluhang dagdag-sahod noon. Pero talagang ginawang mas mahirap ito ng mga regional wage boards ngayon.
“Kaya nga nananawagan kami sa papasok na administrasyong Aquino: Buwagin ang mga wage board at tumalima sa panawagan ng mga manggagawa para sa isabatas ang P125 dagdag-sahod sa bansa,” pagtatapos ni Ustarez.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 18 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed