Baryang P22 dagdag-sahod, magpapalakas sa laban para sa P125 dagdag-sahod
Related posts
- P22 COLA – napakaliit, nakakagalit!
- Dagdag-sahod sa NCR, kakainin ng dagdag-pasahe sa MRT – KMU
- Dagdag-sahod sa NCR, kakainin ng dagdag-pasahe sa MRT – KMU
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
Itutulak lang ng kakaaprubang P22 dagdag sa minimum na sahod sa Metro Manila ang mga manggagawa na lumaban para sa isinabatas na P125 dagdag-sahod across the board sa buong bansa, sabi ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ngayong araw.
“Muli, nakita ng mga manggagawa na mali ang pagsasampa ng petisyon para sa dagdag-sahod sa mga regional wage boards. Nasabi na namin at uulitin namin: Nasa katangian ng mga RWB ang magbigay lang ng barya-barya at pana-panahong dagdag-sahod. Patibong sila, nilikha para hatiin at pahinain ang pambansang paglaban ng mga manggagawa para sa makabuluhang dagdag-sahod,” sabi ni Lito Ustarez, executive vice-chairperson ng KMU.
Inulit ni Ustarez na hindi papakinabangan ang P22 dagdag-sahod ng mga manggagawa labas sa Metro Manila, patunay na “ang kailangan talaga ay makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa.”
“Matatag kami sa posisyong ang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa ay dapat ituon sa gobyerno – sa Kongreso at sa presidente, sa partikular. Sa pamamagitan lang ng tuluy-tuloy at papalawak na militanteng kampanya na nakatuon sa gobyerno makakamit ng mga manggagawa sa buong bansa ang P125 dagdag-sahod, ang kagyat na ginhawang karapat-dapat sa amin,” dagdag niya.
Tinuligsa rin ng KMU ang Trade Union Congress of the Philippines sa pagpapagamit sa pahabol na pagpapabango ng gobyernong Arroyo sa pagtuon nito ng panawagan para sa dagdag-sahod sa mga regional wage boards (RWBs).
“Bilang maka-gobyerno at maka-negosyong sentrong unyon, muling nahulog ang TUCP sa patibong ng pagpepetisyon para sa dagdag-sahod sa mga RWB. Tulad ng inaasahan, mumo ang ibinigay ng RWB sa mga manggagawa. Walang magawa ang TUCP kundi ang magpakita ng protesta sa napakaliit na dagdag-sahod – na isang insulto sa mga manggagawa at resulta ng aksyon nito,” sabi ni Ustarez.
Ayon kay Ustarez, nagagamit ang TUCP sa plano ng gobyernong Arroyo at gobyernong Aquino na panatilihing mababa ang sahod.
“Malamang, gagamitin ng rehimeng Arroyo ang P22 dagdag-sahod para bumango ito, kahit paano, bago umalis sa pwesto. Malamang ding gamitin ito ng rehimeng Aquino para balewalain ang panawagan ng mga manggagawa para sa isinabatas na makabuluhang dagdag-sahod – na planong paigtingin ng mga grupo ng manggagawa sa darating na mga buwan,” sabi ni Ustarez.
“Ang kongkretong resulta ng dilawang unyonismo ng TUCP, ng tusong kontra-manggagawang hakbangin ng rehimeng Arroyo, at ng malamang na maka-negosyong tindig ng rehimeng Aquino ay ang pababain ang sahod ng mga manggagawa. Lumalabas na nagsasabwatan sila laban sa makabuluhang dagdag-sahod,” dagdag niya.
“Hindi kami nababagabag. Inililinaw lang sa mga manggagawa ng napakaliit na P22 dagdag-sahod sa Metro Manila ang pangangailangang paigtingin ang paglaban para sa isinabatas na P125 dagdag-sahod na across the board sa buong bansa,” pagtatapos ni Ustarez.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 18 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed