Skip to main content

Babala kay Noynoy: Abogado ng Luisita, huwag italaga sa LTO

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filefr9XIs could not be copied.

Huwag siya.

Binalaan ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ngayong araw si president-elect Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa pagtatalaga kay 1-Utak Partylist Rep. Vigor Mendoza bilang hepe ng Land Transportation Office. Ayon sa grupo, mas naging matapat si Mendoza sa pamilyang Aquino kaysa sa mga motorista at komyuter.

Ginawa ng KMU ang pahayag matapos magsabi ang dalawang grupong nagpapakilalang kumakatawan sa sektor pang-transportasyon ng suporta kay Mendoza para maging hepe ng LTO.

“Bagamat mas kilala siya ngayong kinatawan ng 1-Utak sa Kongreso, naging abogado at tagapagsalita si Vigor Mendoza ng Hacienda Luisita Incorporated (HLI), na pag-aari ng mga Cojuangco at Aquino,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

Si Mendoza ang abogado ng HLI noong humingi ito sa Korte Suprema noong 2006 ng Temporary Restraining Order (TRO) kontra sa resolusyon ng Presidential Agrarian Reform Council na ipailalim sa reporma sa lupa ang Hacienda Luisita. Ang TRO ang pangunahing ligal na hadlang ngayon sa pamamahagi ng Luisita sa mga magsasaka.

“Hindi dapat italaga ni Noynoy si Mendoza sa LTO. Una sa lahat, hindi naman niya pinaglingkuran ang interes ng mga motorista at komyuter bilang kinatawan ng 1-Utak. Sa ilalim ng rehimeng Arroyo, nakipagsabwatan siya sa Stradcom Corporation at LTO sa pagpapatupad sa iskemang Radio Frequency Identification o RFID na matinding tinutulan ng mga motorista at komyuter,” ani Labog.

“Pangalawa, ipinapakita ng rekord niya bilang abogado at tagapagsalita ng HLI na hindi siya tagapaglingkod ng interes ng mahihirap nating kababayan. Mas pinili niyang magserbisyo sa HLI at hindi sa mga inaaping magsasaka at manggagawang bukid sa Luisita. Tapat siyang tuta ng mga Aquino na nagtanggol sa kanila kahit sa pinakamasahol na sitwasyon. Mas malamang na isusulong niya ang interes ng mga kumpanyang tulad ng Stradcom kapag natalaga sa LTO,” dagdag ni Labog.

Ayon sa KMU, hinala nitong inihahanda na si Mendoza ng papasok na gobyernong Aquino na maging pinuno ng LTO, at pakulong pampropaganda na lang ang huling mga pahayag ng mga umano’y grupong pang-transportasyon.

“Matindi ang kutob namin na si Mendoza na ang napili ni Noynoy. Gumagawa na lang ng pakulong pampropaganda ang mga umano’y grupong pang-transportasyon para maging katanggap-tanggap sa publiko ang pagtatalaga sa kanya.

“Gusto nilang ipakita na may credentials si Mendoza na maglingkod sa mga motorista at komyuter sa LTO. Gusto nilang tanggalin ang impresyong itinatalaga si Mendoza pangunahin dahil nagbabayad na si Noynoy ng pagkakautang na pampulitika,” pagtatapos ni Labog.    

 

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU chairperson
Contact information: 
0908-163-6597

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments