Sa pahayag ng AFP sa gera kontra rebelde: We told you so – KMU
Related posts
- KMU on AFP’s assessment of war vs. Reds: We told you so; Noynoy challenged to resume peace talks
- Ampatuan, iaabswelto ni Arroyo para guluhin ang halalan sa Mayo – KMU
- Noynoy, hinamon: Patunayan mong di ka Gloria, itigil ang Cha-cha
- KMU kay Noy: I-shock mo kami, kasuhan mo si Gloria
- Obrero kay Aquino: Dagdag-sahod, huwag kaligtaan
“We told you so.”
Ito ang reaksyon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa pag-amin ni AFP Chief Delfin Bangit na hindi makakamit sa deadline na Hunyo 2010 ang pagdurog sa armadong rebelyon. Hinamon ng grupo ang uupong administrasyong Aquino na kagyat na ituloy ang usapang pangkapayapaan.
“Paulit-ulit na naming sinabing pantasya ang pagwakas sa rebelyon pagdating ng Hunyo 2010. Dapat nating kilalanin na habang may malaganap at matinding kahirapan, laging may matabang lupa para sa pag-aalsa sa gobyerno ng mga armadong grupo,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Matapos ang ilang taon ng militaristikong patakarang bang-bang-bang sa New People’s Army at mga tagasuporta nito, gusto na ngayon ng rehimeng Arroyo na palabasing may konsensya ito, sa pagbanggit sa mga ugat ng rebelyon.”
“Ipokrito ito. Pinatay nga ng AFP, PNP at mga grupong paramilitar sa ilalim ni Arroyo ang mga tuluy-tuloy sa paghahayag ng mga ugat ng rebelyon. Naglunsad sila ng madugong digma laban sa mga unyonista at iba pang grupong naglalantad ng malaganap na kahirapan at kawalang-katarungan,” dagdag ni Labog.
Simula 2001, mahigit 1,000 progresibong manggagawa, magsasaka, estudyante, taong simbahan, abogado at mula sa iba pang sektor ang pinatay, habang daan-daan ang dinukot.
Hamon kay Noynoy: ituloy ang peace talks
Hinamon din ng KMU si president-apparent Noynoy Aquino na tuparin ang kanyang pangako sa kampanya na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines.
“Iyan talaga ang mapayapang paraan para sikaping tugunan ang mga ugat ng armadong rebelyon at wakasan ang rebelyon,” sabi ni Labog.
“Isang paraan ang seryosong pagpapatuloy ng peace talks para ipakita ni Noynoy na iba siya sa sinundan niyang si Arroyo, na ilang ulit sumabotahe sa negosasyon. Isa rin itong paraan para malagyan niya ng maka-mamamayang nilalaman ang ‘pagbabago’ na pangako niya. Hanggang ngayon, ang nakikita naming ‘pagbabago’ na sinasabi niya ay maka-negosyo,” dagdag ni Labog.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed