Giit ng obrero kay Aquino: P125 dagdag-sahod, unahing isabatas
Related posts
- Obrero kay Aquino: Dagdag-sahod, huwag kaligtaan
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- KMU kay Noy: I-shock mo kami, kasuhan mo si Gloria
- Noynoy, hinamon: Patunayan mong di ka Gloria, itigil ang Cha-cha
Kasabay ng pagbuhos ng panawagan ng iba’t ibang grupo, sinabi ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno na sa unang araw niya sa pwesto, dapat itulak ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si Noynoy Aquino ang isinabatas na P125 dagdag-sahod. Ayon dito, bahagi ang hakbangin ng pagbaligtad sa mga mapaminsalang patakaran ni Gloria Macapagal-Arroyo.
“Mahigit siyam na taon nang walang makabuluhang dagdag-sahod kaming mga manggagawa. Nagpatupad si Gng. Arroyo ng patakarang ‘wage freeze,’ tiniyak na mumo lang ang natatanggap ng mga manggagawa habang maksimum ang kita ng mga dayuhan sa kanilang puhunan,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Hindi lang dapat habulin ng isang Presidente Noynoy si Gloria dahil sa mga kaso ng katiwalian. Dapat baligtarin din niya ang mga patakarang pang-ekonomiya na mapaminsala sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Hindi lang pinayaman ni Gloria ang sarili niya, pinaghirap din niya ang malawak na mayorya ng mga mamamayan. Dapat baguhin ito ni Noynoy,” dagdag ni Labog.
Binanggit ng KMU ang sinabi ni Joey Salceda, dating tagapayo ni Gloria at ngayo’y tagapayo ni Aquino, na sa ilalim ni Gloria, kumita ang pinakamalaking 1,000 korporasyon ng P3.1 trilyon. Dito, P2.1 trilyon ang kitang ibinulsa at P1 trilyon lang ang ipinamuhunan muli.
Sa kabilang banda, sabi ng KMU, dumoble ang agwat sa pagitan ng pang-araw-araw na gastusin sa arawang minimum na sahod sa ilalim ni Arroyo – na mula P509 noong 2001 ay naging P917 nitong 2009.
“Kailangan namin ng isinabatas na P125 dagdag-sahod. Dapat isinabatas para maging pambansang patakaran ng gobyerno at hindi opsyon lang ng mga regional wage board. Dapat hindi bababa sa P125 para talagang magbigay ng ginhawa matapos ang mahigit siyam na taon ng kahirapan at gutom – iyung tipong aabot sa tiyan,” sabi ni Labog.
Nangako ang lider-obrero na mamuno sa mga aksyong masa para ipanawagan ang makabuluhang dagdag-sahod. “Para ipakita sa susunod na pangulo at gobyerno na seryoso ang mga manggagawa sa pagpanawagan para sa P125 dagdag-sahod, maglulunsad kami ng mga aksyong protesta sa darating na mga buwan. Ipepresyur namin silang kilalanin ang makatarungang panawagan namin,” pagtatapos ni Labog.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 18 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed