Skip to main content

Opisyales ng PPA, bulok na lider-manggagawa – ugat ng gulo sa North Harbor – KMU

Bagong operator, sinabihan: Tiyakin ang seguridad sa trabaho ng obrero

Sinabi ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno na si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Oscar Sevilla at si PMO-North Harbour Manager Constante T. Fariñas ang dapat sisihin sa kaguluhang naganap sa pag-takeover sa North Harbour.

Bago nito, nag-alok ang mga kinatawan ng Manila North Harbour Port Terminal, Inc., (MNHPI) sa pakikipag-usap nito sa mga kinatawan ng KMU at mga manggagawa sa pier, na magbibigay ito ng tulong pampinansya sa mga apektadong manggagawa sa halagang katumbas ng 26 kada taon ng serbisyo. Inilinaw pa ngang dagdag pa ang tulong pampinansya sa kabayaran sa past services na pwede pa ring kuhanin ng mga manggagawa.

Simula’t simula pa, iginiit ng KMU na ang kabayaran sa past services ay tungkulin, sa pangunahin, ng PPA at mga cargo handlers.

“Pero tila sinamantala ng mga opisyal ng PPA ang sitwasyon para iwasan ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga nasira nang lider. Binago nila ang alok na bayad at pinagmukha itong paunang bayad sa past services,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU. 

Nang hindi kinokonsulta ang mga manggagawa, tila nabuo ang isang mabilisang kasunduan. Lihim na lihim ang kasunduan at hanggang ngayon, wala pang kopyang para sa publiko ang inilalabas ng PPA. Batay sa mga impormasyon sa mga press release at mga ulat, naging malinaw na ang kakatwang kasunduan ay bagsak sa pamantayan ng mga manggagawa.

Nabawasan pa ang tagumpay ng mga manggagawa sa mga kabayaran sa separation pay na mas maliit sa itinatakda ng kanilang collective bargaining agreements. Kinwenta lang ang tagal ng pagseserbisyo simula 2000 sa halip na ibatay sa aktwal na rekord ng pagtatrabaho. Dagdag pa rito, walang indikasyong igagalang ang mga probisyon ng kasalukuyang collective bargaining agreements.

Kinokondena ng KMU ang palihim na taktikang ito ng pagbubuo ng kontra-manggagawang kasunduan na nagbebenta ng lahat ng benepisyo ng mga manggagawa.

Kinondena rin ng KMU ang marahas na pagbuwag ng PPA at ng Philippine National Police sa hanay ng mga nagprotestang manggagawa noong Linggo. Ipinoprotesta ng mga manggagawa ang umano’y pagtatraydor na ginawa ng mga nabulok na lider-manggagawa. “Ang marahas na pagbuwag noong isang araw at ang sapilitang pag-takeover ay malinaw na patunay ng direktang pagkakasangkot ng gobyerno sa pagtutulak ng pribatisasyon ng malalaking negosyo.”

“Sa halip na protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa, ginusto ng PPA na takasan ang tungkulin nito sa pribatisasyon. Inilagay nito ang interes ng mga manggagawa sa hulihan at pinamunuan nito ang mga pulis sa pagpapalayas sa mga manggagwa sa kanilang pinagtatrabahuan habang nagte-takeover,” sabi ni Labog.

Hinikayat din ng KMU ang MNHPI na tiyakin ang seguridad sa trabaho ng mga manggagawa at kilalanin ang umiiral na mga kasunduan sa trabaho sa pier.

Ayon pa sa KMU, dapat igalang ng MNHPI ang mga tagumpay ng mga manggagawa sa kanilang deka-dekadang pakikibaka para sa seguridad sa trabaho sa pier.

“Panawagan namin sa MNHPI: itaguyod ang seguridad sa trabaho ng mga manggagawa sa pier at iwasang magtanggal ng manggagawa hanggang makakaya sa panahon ng pag-takeover nito. Gayundin, hinihikayat namin ang mga manggagawa na maging mapagbatay sa mga hakbangin ng bagong operator kaugnay ng paggawa,” sabi ni Labog.

“Tiyak, hindi natatapos ang pakikibaka para sa seguridad sa trabaho sa pagpasok ng pribadong consortium. Magpapatuloy ang laban ng lahat ng manggagawa sa North Harbor,” dagdag niya.

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0908-1636-597

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments