KMU sa Ecop: May tanggalan kahit walang dagdag-sahod
Related posts
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- KMU sa P22 dagdag-sahod sa NCR: masyadong kaunti, huli
- Pagtaas ng matrikula, dagdag pasanin sa harap ng nagtataasang presyo, napakong sahod – KMU
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- Mula EDSA 1: Minimum na sahod, tumaas lamang ng P172; Regional wage boards nagbunsod ng barya-barya, kalat-kalat na wage hike
“Ginagamit na naman ng mga grupo ng negosyante ang banta ng tanggalan para bigyang-katwiran ang kanilang oposisyon sa anumang dagdag-sahod, isang palusot na matagal nang napabulaanan dahil may tanggalan kahit walang sentimong nadagdag sa minimum na sahod,” ayon sa Kilusang Mayo Uno.
Pinagtibay kamakailan ng Employers Confederation of the Philippines (Ecop) ang kanilang posisyon kontra sa mga petisyon para sa dagdag-sahod. Anila, mapipilitan silang magtanggal kapag magtataas sila ng sahod.
“Binubuhay na naman ng Ecop ang gasgas na palusot na matagal nang pinasinungalingan ng mga manggagawa. Sa ganitong baluktot na pangangatwiran, hindi nila makukumbinsi ang mga manggagawa na maglubay sa panawagan para sa nakabubuhay na dagdag-sahod,” ani KMU chairperson Elmer “Bong” Labog.
Matagal nang ipinapanawagan ng KMU ang P125-legislated at pambansang dagdag-sahod sa halip na pili at barya-barya na dagdag-sahod na isinusulong naman ng ibang grupo.
“Insulto sa mga manggagawa ang pahayag ng Ecop at ibang business chambers. Pinepwersa nila kami na pumili sa dalawang salot: ‘wage freeze’ o tanggalan. Sa katunayan, ipinataw nila ang dalawang salot na ito sa amin mula pa noong nakaraang taon sa tulong ng rehimeng Arroyo,” dagdag niya.
Sinabi ni Labog na patuloy na nagdurusa ang mga manggagawa sa pambansang saklaw mula sa malawakang tanggalan at “wage freeze” sa harap ng walang-patid na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kuryente at gasoline.
Paano kaming manggagawa?
Sinabi ng KMU na paiigtingin ng mga manggagawa ang panawagang P125 pambansang dagdag-sahod, lalo pa’t nalalapit na ang Mayo Uno. Itutulak din ng grupo ang mga tumatakbo sa halalan na isama ang legislated at pambansang dagdag-sahod sa kanilang adyenda.
Tinuligsa rin ng militanteng sentrong unyon ang pahayag ng Ecop na bumabawi pa ang mga negosyo mula sa epekto ng pandaigdigang krisis. Ayon sa grupo, doble-doble kung tutuusin ang pagdurusa ng mga manggagawa kumpara sa mga negosyante.
“Pilit nilang idinadahilan na wala munang dagdag-sahod para maka-rekober ang mga kumpanya. Pero paano ang pagrekober ng mga manggagawa? Paano kami makakabangon sa krisis kung nanatiling nakapako ang sahod at tuluy-tuloy ang tanggalan?” ani Labog.
“Ang alam lang nilang recovery ay ang recovery ng kanilang mga negosyo. Hindi ba nila alam na kaya bumagsak ang mga pampinasyang institusyon ay dahil mismo sa barat na pasahod sa mga mamamayan ng Amerika, kaya hindi nila nabayaran ang mga pautang ng mga bangko?” dagdag niya. #
Add comment
Recent comments
- Yep, completely false prepper
15 hours 55 min ago - Are there updated stats?
15 hours 56 min ago - Nurses should have been
16 hours 15 min ago - The janitors should not be
16 hours 15 min ago - The women should be treated
16 hours 56 min ago - Herrera law was supposed to
16 hours 57 min ago - PUP will feel the brunt of
1 day 12 hours ago - Of course the investors
1 day 12 hours ago - The prosecution panel were
1 day 13 hours ago - It is very obvious that the
1 day 13 hours ago
Most discussed