‘Job Fairy tales’ ng DOLE, pinasaringan ng obrero
Related posts
- Higit pa sa condoms, pambansang dagdag sahod, disenteng trabaho ang kailangan – KMU
- Dubai crisis, magpapalobo sa impormal na sektor – KMU
- Tigil-pasada, aktibong lalahukan ng mga manggagawa
- Work stoppage sa libing ni Ka Bel, hiniling ng KMU bilang akmang pagpupugay ng mga manggagawa sa dakilang lider-manggagawa
- Mas masahol na krisis, nakaamba sa obrero dahil sa patuloy na kawalan ng disenteng trabaho – KMU
Panawagan ng KMU sa Mayo Uno: Makabuluhang dagdag-sahod, job security, pagbasura ng anti-manggagawa na patakaran
Hindi matutuwa ang mga manggagawa sa inanunsyong non-wage benefits ng gobyerno sa darating na Mayo Uno, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno at Anakpawis Partylist.
Inanunsyo rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkakaroon ng isang “Mega Job Fair” sa halip na ipagkalood ang matagal nang panawagang dagdag-sahod ng mga manggagawa.
“Ipinapanawagan ng buong sektor ng paggawa ang nakabubuhay na sahod, trabahong may kaseguruhan at mas maayos na kondisyon sa pagawaan subalit pilit inaalok ng rehimeng Arroyo, sa pamamagitan ng DOLE ang mga mababaw na pakulo sa Mayo Uno.
“Higit na nakakainsulto ang job fair sa Araw ng Paggawa dahil sa pinatitingkad lamang nito ang tunay na kakapusan ng gobyerno na lumikha ng disenteng trabaho,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
Ani Labog, karamihan sa mga iniaalok na trabaho sa nakatakdang Job Fair ay mababa ang pasahod, kontraktwal at naka-base pa sa ibang bansa.
“Kung tutuusin, ‘job fairy tales’ ang mga job fair kada Mayo Uno dahil sa pinaaasa nito ang mga walang trabaho sa wala. Isa lamang iyong gimik para palamigin ang kumukulong galit ng mga manggagawa bunga ng kawalan ng hanapbuhay sa bansa,” aniya.
Iprinesenta ng grupo sa publiko ngayong araw ang “Wheel of Misfortune” na kumakatawan sa pagbagsak sa mga trabahong mababa ang kalidad at mababa ang pasahod.
Pinunto rin ni Labog na nagtala ang rehimeng Arroyo ng pinaka-mataas na unemployment rate sa kasaysayan – 13.9 percent noong Abril 2002.
Giit ng KMU, dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagkakaloob ng nararapat sa manggagawa: disenteng trabaho at pang-ekonomiyang ginhawa sa harap ng papatinding krisis.
Habang papalapit ang Mayo Uno, sinabi ni Labog na patatampukin nila ang Workers Electotal Agenda para sa mga pambansang kandidato. Kabilang sa mga panawagan ang:
• Makabuluhang legislated na dagdag-sahod sa buong bansa
• Kaseguruhan sa trabaho, makatao at gender-sensitive na kalagayan sa paggawa
• Paglikha ng lokal na trabaho at pagbasura sa labor export policy
• Pagpapatindi ng inspeksyon ng gobyerno sa pagsunod sa labor standards
• Pagbasura sa DOLE Advisory No. 2 o ang flexible work arrangements
• Katarungan sa lahat ng biktima ng panunupil sa kilusang paggawa
• Pagbasura ng lahat ng regresibong patakarang pambuwis
• Kontrol sa presyo sa batayang bilihin at serbisyo
Sinabi ni Labog na lalahukan ng 50,000 manggagawa ang pagkilos sa Mayo Uno sa Liwasang Bonifacio bilang paggunit sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed