Skip to main content

Unified multi-ID ng SSS, GSIS, labag sa karapatang sibil, privacy

Nagprotesta ngayong araw ang Anakpawis Partylist at Kilusang Mayo Uno sa tanggapan ng Social Security System (SSS) para tutulan ang pagpapatupad sa Unified Multi-purpose ID (UMID) Sytem, na gagamitin ng gobyernong Arroyo para manmanan ang mga mamamayan at humuthot ng pondo para sa kampanyang elektoral nito.

Ang naturang all-in-one utility card ang ID na ayon sa UMID ay ipapalit sa kasalukuyang mga ID ng 50-milyong miyembro ng SSS, GSIS, PhilHealth at Pag-ibig. May common reference number ang ID, na siyang pangunahing nagpapakilala sa indibidwal na nakikipagtransaksyon o humihingi ng serbisyo sa anumang ahensya ng gobyerno.

Nagmula ang UMID System sa Executive Order (EO) 800 ng administrasyong Ramos. Inatas nito sa mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng iisang sistema ng pagkolekta ng datos para sa umiiral na sistema ng identification. Ayon sa Korte Suprema, labag sa Konstitusyon ang EO dahil tinatapakan nito ang karapatan ng mamamayan sa privacy. Naglabas ang administrasyong Arroyo ng kaparehong direktiba, ang EO 420 noong Abril 2005, at nanguna rin ang KMU sa paglaban sa nasabing EO.

 Ang nasabing proyekto, na inaasahang magpoprodyus ng 12 milyong ID sa susunod na limang taon, ay magkakahalaga ng P1.7 bilyon. Ang bagong ID ng GSIS, na nakatakdang ilabas ngayong buwan, ay may halagang P270 milyon o P180 kada miyembro, habang ang P140 isa ang bagong ID ng SSS-PhilPost.

“Ang nasa likod ng UMID ay ang National ID System, na programang panukala ng gobyerno simula pa noong panahon ni Ramos, binuhay ni Estrada, at ngayo’y minamadali ng administrasyong Arroyo,” sabi ni Roger Soluta, secretary-general ng KMU.

Itinakda ni Arroyo sa isang kasunod na EO noong Enero 2008 na ang Social Security ID System ang nasa gitna ng UMID System. Iniatas niya sa SSS na ipatupad ang pagbabawas at pagtutugma ng mga sistema ng paga-ID ng lahat ng ahensya ng gobyerno at mga government-owned and controlled corporations.

“Mariing tinutulan ng publiko ang National Computerized ID System na panukala ni Ramos mahigit isang dekada na ang nakakaraan. Ibinasura ito ng Korte Suprema noong 1998. Ngayon, muling binubuhay ng administrasyong Arroyo ang bangkay na ID System bilang bahagi ng laban nito kontra umano sa terorismo.

“Ang Department of National Defense at AFP ang malakas na nagtutulak sa isang ID System. Maaaring bahagi ito ng desperadong tangka ng AFP na ‘ipatupad ang huling yugto ng kontra-insurhensya’ habang lumalapit ang deadline nitong Hunyo 30.”

Noong 2005, sinabi ni Arroyo na ang pagpapatupad ng isang pambansang ID System ang ‘isa sa mga susing elemento ng mga hakbanging kontra-terorismo at panseguridad ng administrasyon’,” ani Soluta.

“Dalawa ang silbi ng Unified ID System para sa administrasyong Arroyo – una, paraan para lumikom ng pondong pang-eleksyon at pangalawa, mabilis na paraan para maglagay ng barcode at manmanan ang mga Pinoy,” sabi ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod.

“Instant Destruction ng ating mga karapatang sibil – ito ang kahulugan ng bagong ID System na ito,” pagtatapos ni Maglunsod.  

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU Secretary General
Contact information: 
0928-721-5313

Comments

#1 Revelation 13:16 to 18 16.

Revelation 13:16 to 18

16. The beast forced all the people, small and great, rich and poor, slave and free, to have a mark placed on their right hands or on their foreheads.

17. No one could buy or sell without this mark, that is, the beast’s name or the number that stands for the name.

18. This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number stands for the name of someone. Its number is 666.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments