Skip to main content

Sa halip na maluhong patalastas, kampanya; Hamon ng obrero kay Arroyo, Kongreso: itaas ang sahod, P125

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileNEuG8t could not be copied.

Sa halip na lunurin ang mga Pilipino ng patalastas na nagsasabing umunlad ang kabuhayan ng mga tao sa kanyang termino, dapat aksyunan na lang ni Gloria Arroyo ang matagal na naming panawagan para sa isinabatas na P125 dagdag-sahod sa bansa.

Ito ang hamon ng Anakpawis Partylist at Kilusang Mayo Uno sa rehimeng Arroyo sa harap ng paglabas nitong huli ng mga paid ad na nagsisiwalat ng umano’y mga nagawa para sa bayan ng gobyerno at sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng batayang bilihin.

“Desperado na talaga si Arroyo para pagandahin ang kanyang imahe. Pero hindi kayang gawin iyan ng kahit maraming patalastas ng kasinungalingan. Kung may totoo man sa sinasabi niyang umunlad ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino, bakit kailangang-kailangan pa rin naming mga manggagawa ang isinabatas na P125 dagdag-sahod sa buong bansa?” tanong ni Nenita Gonzaga, KMU vice-president for women.

“Lalong nagiging makabuluhan ang panawagan para sa pambansa at isinabatas na dagdag-sahod dahil patuloy na hinahabol ang rehimeng Arroyo ng pagsirit ng mga presyo hanggang sa mga huling araw nito.

“Sa loob ng dalawang mahabang taon, matapos ang maliit na P20 dagdag-sahod sa Metro Manila noong Hunyo 2008, hindi na nagtaas si Arroyo ng sahod. Samantala, madalas ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Noong 2001, ang regular na bigas ay nasa P18. Ngayon, nasa P30-40. Noong 2001, ang karaniwang presyo ng diesel kada litro ay P12. Ngayon, nasa P34 na. Noong 2001, ang presyo ng 11-kilong tangke ng LPG ay P192. Ngayon ay P630 na,” sabi ni Gonzaga.

Nagpiket ngayong araw ang Anakpawis at KMU sa tahanan ni Magtanggol Gunigundo, chair ng House Committee on Labor, para hikayatin siyang maglunsad ng special session para ipasa ang panukalang batas para sa P125 dagdag-sahod.

“Pwedeng ipasa ng ating mga kongresista ang P125 dagdag-sahod bago matapos ang termino nila. Dapat isa ito sa mga huling hakbangin nila, na malinaw na mas mahusay kaysa sa magastos na pangangampanya at pagpapatalastas ngayong eleksyon,” sabi ni Rep. Joel Maglunsod ng Anakpawis Partylist.

Kasama ang mga senatoriable ng Makabayan na sina Satur Ocampo at Liza Maza, isinampa ni dating Anakpawis Rep. Crispin Beltran ang House Bill 1722 sa Kongreso, na nananawagan ng isinabatas na P125 dagdag-sahod sa buong bansa. #

 

Reference Person: 
Nenita Gonzaga, KMU Vice President for Women
Contact information: 
0928-279-4241

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments