Rotating brownouts, paghahanda sa pakanang no-el, no-proc – Anakpawis, KMU
Error
Related posts
- Anakpawis, KMU see rotating brownouts as Arroyo’s muscle-flexing for no-el, no-proc
- Emergency powers, pamatid sa pagkauhaw sa kapangyarihan ni Gloria – Anakpawis, KMU
- Ampatuan, iaabswelto ni Arroyo para guluhin ang halalan sa Mayo – KMU
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- Emergency powers will only relieve Gloria’s thirst for power – Anakpawis, KMU
Nananawagan ang Anakpawis Partylist at Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa at sambayanang Pilipino na paigtingin ang ating pagmamatyag sa gitna ng salit-salitang brownouts sa Luzon at malalaking lungsod sa Mindanao. Tinitingnan namin ang “kakapusan ng enerhiya” bilang paghahanda ng rehimeng Arroyo para sa mga operasyong pansabotahe sa darating na halalan sa Mayo na magbubukas ng no-election (no-el) o no-proclamation (no-proc) scenario, at magpapahintulot kay Arroyo na manatili sa kapangyarihan.
Kinokondisyon at inihahanda ng salit-salitang brownouts ang publiko sa napakaposibleng pagkabigo ng unang halalang automated sa bansa, bukod pa sa malalaking suliraning teknikal na matagal nang bumabagabag dito.
Kaduda-duda ang palusot para sa salit-salitang brownouts: Bakit sabay-sabay na bumigay ang tatlong power plant sa Luzon dahil lang sa “mga suliraning teknikal”? Bakit pabugsu-bugso at wala man lang abiso ang mga brownouts? Ito ba ang siyentipikong paraan ng pag-aayos sa mga pasilidad ng kuryente? Sinusubok ba ng rehimen ang opinyong publiko para sa no-el o no-proc scenario? Makatwiran ng aming hinala.
Ang nakakaalarma pa, kasabay ng “salit-salitang kadiliman” na ito ang pagkukumahog ni Arroyo na magkaroon ng emergency powers para umano resolbahin ang krisis sa kuryente sa Mindanao matapos aprubahan ng House Committee on Energy ang pagbibigay sa kanya ng ganitong kapangyarihan.
Matindi ang aming hinala na bahagi ang bara-barang reaksyong ito ng maiitim na balakin ni Arroyo na magkapit-tuko sa kapangyarihan at ipagtanggol ang sarili sa paghahabla. Bakit nagmamadali ang mga kongresista, lalo na si Energy Committee Chair Mikey Arroyo, na anak din ng pangulo, na magtalakayan tungkol sa krisis sa kuryente at magtulak ng emergency powers para sa presidente habang kinakaligtaan ang ibang mahalagang panukalang batas tungkol sa kabuhayan ng mga manggagawa at sambayanan?
Ginagamit ang mga probisyon ng EPIRA na nagpapahintulot sa gobyerno na bumili o magparenta ng mga pag-aaring pang-elektrisidad bilang palusot para pahusayin ang mga operasyon sa pagsabotahe sa eleksyon sa Mayo. Mas masahol, pwedeng gamitin ni Arroyo ang espesyal na sesyon ng Kongreso para itulak ang Charter change o Cha-cha.
Tunay ngang nabubuhay tayo sa madilim na panahon, at nakatambad sa atin ang mga banta sa matagumpay na pagdaraos ng eleksyon. Muli, tinatawagan ang mga manggagawa at sambayanang Pilipino na magkaisa para labanan ang masasamang pakana ng rehimeng Arroyo para manatili sa kapangyarihan. Pangako namin: ipapakita namin sa rehimeng ito na kahit ang mga blackout ay hindi makakapigil sa pagsambulat ng panibagong pag-aalsang People Power. #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 17 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed