Skip to main content

Pugad ng militar sa Valenzuela, sinugod ng KMU at Anakpawis

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileqe0C6o could not be copied.

Sinugod ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno at Anakpawis Partylist ang pugad ng mga militar sa isang komunidad sa Valenzuela bilang bahagi ng kampanya para ilantad ang papatinding militarisasyon sa kalunsuran at ang pangangampanya ng mga militar laban sa mga progresibong partylist at kandidato.

Inilunsad ang kampanyang “bisita-militar” batay sa mga kumpirmadong impormasyon ng KMU at Anakpawis hinggil sa pag-base ng mga pwersang militar sa maraming erya sa Metro Manila at sa pagha-house-to-house nila para mangampanya laban sa mga progresibong partylist tulad ng Anakpawis at sa mga senatoriable na sina Satur Ocampo at Liza Maza.

“Kinukondena namin ang desperadong kampanya ng militar laban sa mga progresibong partylist at mga makabayang mambabatas gamit ang baluktot nilang propaganda na kami ay prente lang ng CPP-NPA sa Kongreso. Tinutuligsa namin ang kanilang pananakot sa pamamagitan ng pagwawasiwas ng kanilang armas sa mga urban communities para takutin ang mga volunteer at organisador ng aming mga grupo,” ani Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

“Imbes na makumbinsi ang mga tao sa bulok na rehimeng Arroyo, lalong kinukumbinsi ng militar ang marami na ang gobyerno ni Arroyo ay gobyerno ng panunupil at terorismo ,” dagdag ni Soluta.

Ayon namankay Cherry Clemente, pangkalahatang kalihim ng Anakpawis Partylist, sa sa multi-purpose hall katabi mismo ng opisina ng Valenzuela chapter ng Anakpawis naka-base ang 73rd squad ng Philippine Air Force Dito ay nangatok at nanakot na minsan ang walong sundalo at pinatatanggal ang mga bandera ng Anakpawis sa opisina.

“Desperado ang militar na biguin ang pagtakbo sa Kongreso ngtunay na kinatawan ng masang anakpawis.,” ani Clemente.

“Sa maraming pagkakataon, nagpapanggap ang mga militar na gumagampan ng community work sa Metro Manila. Pero sa katunayan, naglulunsad sila ng kampanya laban sa mga progresibong partylist, na isang malinaw na paglabag sa batas. Kahit ano pa mang palusot ang gamitin nila, malinaw na wala silang batayan para bumase at manatili sa mga barangay sa kalunsuran.

“Ang pagkatok sa bahay-bahay at pamamalagi sa urban communities ng mga militar ang pinakamalinaw na banta sa mapayapa at demokratikong pagdaraos ng eleksyon. Dapat na lumayas sila sa pinakamadaling panahon,” dagdag ni Clemente.

Isasagawa ang “bisita-militar” sa marami pang komunidad sa Metro Manila na pinupugaran ng mga elemento ng AFP. Pagkatapos nito, magsasampa ang Anakpawis at iba pang progresibong partylist ng reklamo sa Comelec.

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU secretary general
Contact information: 
0928-721-5313

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments