Kahirapan, may mukha ng kababaihan – KMU
Error
Related posts
Sa pagdiriwang ng ika-100 Pandaigdigang Araw ng Kababaihan at sa harap ng pag-amin ng tagapayo ng pangulo na lumala ang kahirapan sa bansa sa nakaraang siyam na taon, sinabi ngayon ng Kilusang Mayo Uno-Women’s Department na ang kahirapan ay may mukha ng kababaihan, na may epekto ito sa maralitang Pinay bilang isang grupo sa lipunan.
Isandaang taon na ngayon simula noong ipanukala ni Clara Zetkin, maka-Kaliwang lider na German sa International Conference of Socialist Working Women noong 1910 na magkaroon ng pandaigdigang araw ng kababaihan para ipagdiwang ang mga pag-abante sa kalagayan ng mga babaeng manggagawang Amaerikano na nakamit nila sa kanilang paglaban.
Samantala, nasa headline ngayon ang pag-amin ni Joey Salceda, presidential adviser on economic affairs at gobernador ng Albay, na tumindi ang kahirapan sa ilalim ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi rin niyang lalo pang naging mayaman ang mayayamang pamilya sa bansa sa parehong panahon.
“Ngayong araw, mahalagang maipaalala sa atin na may mukha ng kababaihan ang kahirapan sa bansa. Kapag binabanggit ni Joey Salceda ang paglago ng populasyon bilang salik sa kahirapan, ipinapaalala niya ang mahihirap na kababaihang humaharap sa araw-araw at oras-oras na problema ng pagpapakain at pagbuhay sa mga bata, na kaunti ang oportunidad magtrabaho, at pinagkakaitan ng kaalaman tungkol sa mga karapatang reproduktibo at ng disenteng serbisyong pangkalusugan,” sabi ni Nenita “Nitz” Gonzaga, bise-presidente para sa kababaihan ng KMU.
Inilahad ni Gonzaga ang mga estadistika mula sa survey na ginawa ng grupo sa pananaliksik na Center for Women’s Resources na nagpapakita kung paanong binabalikat ng maralitang kababaihan ang pasanin ng pagtindi ng kahirapan sa bansa. Halos 78% ng kababaihang tinanong ang nagsabing kumukuha sila ng dagdag-trabaho para punuan ang lumiliit na kita ng pamilya, habang 47% ang nagsasabing pagkain ng pamilya ang pinaka-apektado sa pagtitipid.
“Napakalaki at lumalaki pa ang presyur na dinadanas ng anakpawis na kababaihan dahil sa pagsahol ng kahirapan. Dumadami ang mga tungkulin nila sa pagpapakain at pagbuhay sa mga anak at pamilya, habang pinapanatili silang nakapailalim sa kalalakihang Pinoy,” sabi ni Gonzaga.
“Ipinapakita ng lagay ng maralitang Pinay ang kagyat na pangangailangang magpunyagi sa pakikibaka para sa tunay na pagbabago – isang pakikibakang humihimok sa kanilang aktibong paglahok bilang tagalikha ng kasaysayan, at hindi lang nangangako sa kanila ng mga tagumpay ng pakikibaka o tumuturing sa kanilang tagasuporta lang sa paglikha ng kasaysayan,” dagdag ni Gonzaga.
“Kaya naman mahalaga ang paglahok nila sa pakikibaka para ibagsak ang mga pinakamalaking kalaban ng mga Pinoy at Pinay, na siya ring pangunahing ugat ng kahirapan sa bansa – ang imperyalismong US, ang pyudalismo, at ang burukrata-kapitalismo,” pagtatapos ni Gonzaga.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 23 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed