Skip to main content

Higit pa sa condoms, pambansang dagdag sahod, disenteng trabaho ang kailangan – KMU

Higit pa sa pagmuni-muni hinggil sa pamimigay ng libreng female condoms, paglikha ng disenteng trabaho at pagtutulak ng pambansang dagdag-sahod ang dapat na aksyunan ng Department of Labor and Employment (DOLE), ayon sa Kilusang Mayo Uno.

Ayon sa KMU, hindi maiibsan ng plano ng DOLE na pamumudmod ng condom sa buong bansa ang papatinding kawalan ng trabaho at pagdausdos ng kalidad ng empleyo sa bansa.

“Hindi kayang proteksyunan ng condom ang mga manggagawa mula sa kagutuman at kahirapan. Sa harap ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin, nakapakong sahod at kawalan ng trabaho, pinakahuling kailangan ng obrero ang condom,” ani Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

“Paglikha ng regular at disenteng trabaho ang dapat na pag-isipan ng DOLE sa kagyat, lalo pa’t nakatakdang grumadweyt ang libu-libong estudyante mula sa kolehiyo sa mga susunod na araw,” dagdag niya.

Sinabi ni Soluta na higit na nagdurusa ang mga Pilipino sa kagutuman kaysa sa impeksyon ng HIV/AIDS.

Batay sa pinakahuling sarbey ng SWS, sinabi niya na isa sa apat na pamilyang Pilipino ang nakararanas ng gutom bunga ng kapalpakan ng rehimeng Arroyo na itaas ang sahod, kontrolin ang presyo at lumikha ng disenteng empleyo.

Sinabi na rin mismo ng gobyerno kamakailan na halos tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho, higit na mas malaki sa bilang ng walang trabaho noong Oktubre ng nakaraang taon. Samantala, nakapako pa rin ang sahod sa lahat ng rehiyon sa kabila ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Hindi rin maitatago ng pamimigay ng condom ang katotohanan na hindi pa rin inaaksyunan hanggang ngayon ang panawagang P125-dagdag sahod sa buong bansa ng mga manggagawa,” ani Soluta.

BPO: pugad ng AIDS

Gayunpaman, sinabi ng lider-obero na dapat aminin ng rehimeng Arroyo ang talamak na kaso ng HIV/AIDS sa sector ng business process outsourcing (BPO), na tinatawag ng gobyerno na “sunshine industry.”

“Sa plano ng DOLE na mamudmod ng libreng condon, nagtatangka ang rehimen na pagtakpan ang nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa mga call center sa ngalan ng pagprotekta sa interes ng mga dayuhang kumpanyang BPO,” ani Soluta.

 

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU Secretary General
Contact information: 
0928-721-5313

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments