Graveyard shift, rotating brownout sa araw: impyerno sa manggagawa - KMU
Error
Related posts
- Giit ng KMU: Kagyat na aksyon ng gobyerno para pigilan ang marami pang tanggalan
- Failure of elections, lalong nagiging banta dahil sa ‘state of calamity’ sa Mindanao
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- KMU kay Gloria: Itigil ang paghugas-kamay sa San Roque
- Emergency powers, pamatid sa pagkauhaw sa kapangyarihan ni Gloria – Anakpawis, KMU
Most discussed
Impyerno ang gustong iparanas ni Gloria Arroyo sa mga manggagawa sa Mindanao sa pag-uutos niya na i-iskedyul ang operasyon ng mga pabrika sa gabi habang minamantine ang rotating brownout na tumatagal ng walo hanggang sampung oras sa araw, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno.
Iniutos ni Arroyo sa mga kumpanyang pangmanupaktura sa Mindanao at sa mga manggagawa nito na gawing mula 9 n.g hanggang 5 n.u. ang oras ng trabaho matapos na ideklara ang state of calamity sa Mindanao noong nakaraang linggo.
“Kahit ang mga call center agent mismo ay nagrereklamo sa graveyard shift, paano pa kaya ang mga manggagawang hindi sanay dito? Ang masama pa rito, gusto ni Arroyo na maging balisa ang tulog ng mga manggagawa dahil sa patay-sinding kuryente at nakakapasong init sa araw,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Hindi sinosolusyonan ng gobyerno ang krisis sa enerhiya sa utos na ito. Panakip-butas at ubos-oras lamang ang hakbang na ito, sa pagbabasakaling lilipas din ang kakapusan sa kuryente. Ang kinakailangang gawin ng gobyerno sa minimum, itigil nito ang pagbebente ng marami pang hydropower plants sa mga dayuhang korporasyon,” dagdag niya.
Binalaan din ni Labog ang mga kumpanyang naka-base sa Mindanao laban sa paggamit sa rotating brownout bilang palusot sa pagtanggal sa mga manggagawa.
“Panawagan namin sa mga kumpanya na huwag nang doblehin pa ang kalbaryo ng mga manggagawa mula sa tanggalan at kawalan ng kuryente. Sa halip, dapat nilang igiit sa rehimeng Arroyo ang mabilisan at epektibong solusyon sa krisis sa enerhiya imbes na magpataw ang huli ng mga pabigat na deklarasyon,” ani Labog.
“Sa tangkang pagtakpan ang kriminal na kapabayaan ng kanyang rehimen sa kritikal na pangangailangan ng bansa sa enerhiya, pwersahang ipinapataw ni Arroyo sa mga manggagawa at mamamayan ang dagdag na sakripisyo. Pinapagdusa niya na naman ang mga Pilipino dahil sa patakarang pribatisyon, lalo na sa sektor ng enerhiya,” dagdag ni Labog.
Ayon kay Labog, ang pagbebente ng mga planta ng enerhiya sa mga dayuhang korporasyon sa mga nagdaang taon ang sumaid sa enerhiyang dapat sana’y nagagamit ngayon kung kailan lubhang kailangan ito. Sinabi rin niya na nagpatumpik-tumpik lamang ang rehimeng Arroyo kahit na matagal nang nakita nito ang pagdating ng El Niño.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 18 hours ago - The past employee who started
2 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 21 hours ago - Responsabile di global
4 days 22 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 22 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 22 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 22 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 22 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 23 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 23 hours ago
#1 Bakit ba tayo meron krisis
Bakit ba tayo meron krisis sa enerhiya? kung may mga Dam at gamitin, para makapag-bigay ng enerhiya sa buong bansa. Sa Historya, na ipakita na ang Hoover Dam, matapos gawin noong 1936.
it was both the world's largest hydroelectric power generating station and the world's largest concrete structure. It was surpassed in both these respects by the Grand Coulee Dam in 1945. It is currently the world's 38th-largest hydroelectric generating station. This dam, located 30 mi (48 km) southeast of Las Vegas, Nevada, is named after Herbert Hoover, who played an instrumental role in its construction, first as the Secretary of Commerce, and then later, as the President of the United States. Construction began in 1931, and was completed in 1936, a little more than two years ahead of schedule. The dam and the power plant are operated by the Bureau of Reclamation of the U.S. Department of the Interior. Listed on the National Register of Historic Places in 1981, Hoover Dam was designated a National Historic Landmark in 1985.
Lake Mead is the reservoir created by the dam, named after Elwood Mead, who oversaw the construction of the dam.
Kung ito ay nakapag-bigay ng enerhiya sa mga lugar, katulad ng nevada, arizona at california. itong mga lugar na ito ay gumagamit ng kuryente, para patakbohin ang industriya. sapag'gamit ng kuryente nakapag-patakbo ng mga makinarya, katulad ng "window pc" ang makinarya na gumagamit ng enerhiya O' kuryente. para makapag komentaryo, sa "mukang libro" the social network. na'walang interapsyon, katulad ng pagawala ng enerhiya O'brownout; dahil sa akin tinitirahan meron, maraming tao ang gumagamit ng kuryente. walang saysay ang sabing, may krisis sa enerhiya ang pilipinas. kung ang hoover dam ay naka'pagbigay ng kuryente sa mga lugar, katulad sa listayan ng
"Power distribution".
The Bureau of Reclamation reports that the energy generated is allocated as follows:
Area Percentage
Metropolitan Water District of Southern California 28.5393%
State of Nevada 23.3706%
State of Arizona 18.9527%
Los Angeles, California 15.4229%
Southern California Edison Company 5.5377%
Boulder City, Nevada 1.7672%
Glendale, California 1.5874%
Pasadena, California 1.3629%
Anaheim, California 1.1487%
Riverside, California 0.8615%
Vernon, California 0.6185%
Burbank, California 0.5876%
Azusa, California 0.1104%
Colton, California 0.0884%
Banning, California 0.0442%
ito ang mga lugar na nabibigyan ng serbisyo. at kung meron man " brownout" ay nasa minimal lang ito. bakit hindi magawa ang ganitong konsepto, sa pag-gamit ng dam sa pilipinas. at ang serbisyo na ito, dapat nasyonal. gobeyerno ang magpapatakbo, dahil ang mga tao ay nagbabayad ng buwis sa gobeyerno. at ang buwis na ito ay ginagamit sa pagbayad ng serbisyong pang publiko.