Skip to main content

Failure of elections, lalong nagiging banta dahil sa ‘state of calamity’ sa Mindanao

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filebDMAsL could not be copied.


Sa deklarasyon ng state of calamity sa Mindanao, dapat tayong mabahala: Pursigido ang rehimeng Arroyo na gamitin ang krisis sa kuryente para i-kondisyon ang publiko sa posibleng pagsabotahe sa kauna-unahang automated elections sa Mayo. Magkakasunod ang deklarasyon ng state of calamity, ang rotating brownouts, at ang biglaang pagkakaroon ng teknikal na problema sa ilang planta ng kuryente sa Luzon, kaya lalong nagiging totoo ang banta ng failure of elections.

Inamin na rin mismo ni Energy Secretary Angelo Reyes na kahit may state of calamity sa Mindanao, maikakabit ang mga kinakailangang generation sets pagkatapos pa ng apat na buwan – kung kailan tapos na ang halalan. Ibig sabihin, hindi masusolusyonan ng deklarasyong iyon ang napipintong trahedya ng eleksyon sa Mayo, na isang matinding atake sa demokrasyang elektoral ng bansa.

Bukod sa pagbibigay-laya sa pambansa at lokal na gobyerno na kurakutin na naman ang pondong pang-kalamidad, binibigyan ng state of calamity ang sandatang lakas ng higit pang luwag sa operasyon sa Mindanao. Katumbas ito ng posibleng paghawak sa leeg ni Arroyo sa eleksyon at pulitika sa Mindanao, na krusyal para sa plano niyang manatili sa poder lampas ng 2010.

Hindi makalulusot ang deklarasyon state of calamity sa mga ganitong hinala, lalo pa’t inirekomenda ito ni Defense Secretary at hepe ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na si Norberto Gonzales, ang nagpanukala noon ng “revolutionary government para panatilihin si Arroyo sa poder. Wala pang 24 oras matapos ihapag ni Gonzales ang kanyang panukala, aprubado na ito agad ni Gloria kahit wala pang opisyal na dokumento. 

Sa gitna ng mga senyales na kinakayod na ni Arroyo ang kanyang madilim na plano, ipinapanawagan muli namin sa mga manggagawa at mamamayan na pasikhayin ang pagmamatyag at pagkilos laban sa bulok na gobyernong Arroyo. Dahil sa loob ng siyam na taon, napatunayan na natin kung gaano siya ka-tuso.

 

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU Secretary General
Contact information: 
0928-721-5313

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments