Arroyo, sagka sa ‘absorption’ ng mga manggagawa sa North Harbor
Error
Related posts
- Arroyo hand seen in North Harbor privatization snag
- Sa paggamit sa laban ng manggagawa para magkapera: Lider-manggagawa sa North Harbor, tinuligsa ng KMU
- ‘Anti-worker, smells fishy’: Manila North Harbor workers slam impending deal’s provision
- Opisyales ng PPA, bulok na lider-manggagawa – ugat ng gulo sa North Harbor – KMU
- Manggagawa ng North Harbor, todo-bantay pa rin laban sa eskirol; Memo sa pagpapaliban ng takeover, panlalansi lang
Inakusahan ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang gobyerno ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo na responsable sa pagbara sa “absorption” ng mga manggagawa sa Manila North Harbor sa ilalim ng kasunduang pribatisasyon. Ayon dito, ginagamit ng gobyerno ang isang “tiwali” na lider-manggagawa para hadlangan ang pribatisasyon ng pier.
Nagkaroon ng bara nitong huli ang pribatisasyon ng Manila North Harbor. Ayon kay Philippine Ports Authorty General Manager Oscar Sevilla, ang dahilan ay ang patuloy na paggigiit ng mga manggagawa. Aniya, sa kabila ng garantiyang kikilalanin ang kaseguruhan sa trabaho at collective bargaining agreement sa ilalim ng bagong manedsment na Manila North Harbour Port Inc. (MNHPI), patuloy na tumututol ang mga manggagawa sa pag-takeover ng bagong manedsment.
“Si Gloria ang bumabara. Gusto niyang hadlangan ang pag-takeover ng bagong manedsment para pwedeng magkaroon ng bagong bidding pagkatapos ng Hunyo 30 – sa ilalim ng bagong pangulo o ng pagpapatuloy niya bilang pangulo. Ang gusto niya, ibigay ang kontrata ng pribatisasyon sa isang mayaman at maimpluwensyang pamilyang dikit sa rehimen,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Ang rehimen ni Gng. Arroyo ang siyang nagtulak ng pribatisasyon ng Manila North Harbor. Pero noong hindi nasunod ang gusto nito, at ibang paksyon ng mga naghaharing uri ang nakakuha ng kontrata, nagbago ang ihip ng hangin at gusto na nitong hadlangan ang pag-takeover ng nanalong bidder,” dagdag ni Labog.
Ayon sa KMU, ginagamit ng rehimeng Arroyo si Andy Mortel, isang “tiwali” na lider-unyon para hadlangan ang pribatisasyon ng pier. Ayon dito, nailantad na si Mortel bilang nangingikil ng pera at iba pang pabor sa nanalong bidder habang naggigiit na mabayaran ang past services ng mga manggagawa bago mag-takeover ang nanalong bidder.
“Nakikipagsabwatan si Andy Mortel sa rehimeng Arroyo para hadlangan ang pag-takeover ng bagong manedsment. Iginigiit niya ang kabayaran sa past services sa MNHPI, na hindi naman responsable rito. Mas malala, ginagawa niyang prekondisyon ang kabayarang ito sa pag-takeover. Mahalaga siya sa iskema ng rehimen na barahan ang pag-takeover ng bagong manedsment,” sabi ni Labog.
Nanawagan din si Labog sa mga manggagawa ng Manila North Harbor na patuloy na makipaglaban para sa kanilang kaseguruhan sa trabaho bilang mga regular na manggagawa. Aniya, ito ang “pinakamahalagang bagay” sa paglaban para sa kabayaran sa past services.
“Ang pinakamahalagang bagay sa pakikibaka ng mga manggagawa para sa kabayaran sa past services ay ang ma-absorb ng bagong manedsment bilang mga regular. Kung masusunod si Andy Mortel at itatakdang prekondisyon ang kabayaran sa past services sa pag-takeover ng bagong manedsment, baka walang makuha ang mga manggagawa – walang trabaho, walang unyon at walang kabayaran sa past services,” ani Labog.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 29 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 5 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed