Ampatuan, iaabswelto ni Arroyo para guluhin ang halalan sa Mayo – KMU
Related posts
- Arroyo letting Ampatuans get off the hook for May polls - KMU
- CJ Corona, ‘koronang tinik’ kay Noynoy
- Sa pahayag ng AFP sa gera kontra rebelde: We told you so – KMU
- Emergency powers, pamatid sa pagkauhaw sa kapangyarihan ni Gloria – Anakpawis, KMU
- Emergency powers will only relieve Gloria’s thirst for power – Anakpawis, KMU
Mariing kinondena ng Kilusang Mayo Uno ang pagbasura sa kasong rebelyon laban sa mga Ampatuan at nangako na higit na babantayan ng mga manggagawa ang pagkamit ng hustisya para sa Maguindanao massacre.
Sinabi ng KMU na ang desisyon ng korte pabor sa mga Ampatuan ay bahagi ng balakin ni Arroyo na mapalaya ang mga kriminal para gamitin sila sa pagsabotahe sa eleksyon para makapanatili siya sa poder.
“Maaring gamitin muli ni Arroyo ang mga Ampatuan upang pasiklabin ang matinding karahasan o mag-dagdag-bawas sa automated election. Pinatunayan ng mga nakaraang eleksyon kasi na ang mga Ampatuan ang pinakamaasahang utusan ni Arroyo para kamtin ang pansariling interes,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
Ani Labog, kinumpirma rin ng desisyon ng korte ang hinala ng mga kritiko ng martial law na idineklara sa Maguindanao noong nakaraang taon.
“Walang basehan ang kasong rebelyon sa simula pa lang. Ginamit lamang ito para palambutin ang kriminalidad ng mga Ampatuan para makaligtas sa kaparusahan,” ayon kay Labog.
“Kaya kailangang panagutin si Arroyo sa malisyosong pagdeklara ng martial law sa Maguindanao, bukod sa malinaw na paglabag ng deklarasyon sa Konstitusyon,” aniya.
Kahit ang mismong opisyales ng militar na sangkot sa pagpapatupad ng martial law ay umamin na mahirap patunayan ang kasong rebelyon laban sa mga Ampatuan.
Sinabi rin ng KMU na swak ang timing ng pagbabasura ng kaso para kay Arroyo at sa mga Ampatuan.
“Dahil Mahal na Araw, tinuturuan ang mga tao na magpatawad. Iyon ang dahilan sa timing. Gusto ni Arroyo na patawarin ng mamamayan ang isang kasalanan na hindi patatawarin ni Kristo – ang masaker ng mga sibilyan para sa makasariling interes,” ani Labog.
“Pero ipinapangako namin na ang mga kriminal tulad ni Arroyo at ng mga Ampatuan ay hindi makakatakas sa pagsambulat ng galit ng mamamayan,” dagdag niya.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed