‘Pagkatapos ng Easter, kaarawan naman ng demonyo’
Related posts
- ‘After Easter, it’s the devil’s birthday;’ People’s farewell birthday rite for Arroyo open to all forces – KMU
- Kalaboso, wish ng obrero para kay Arroyo
- Ampatuan, iaabswelto ni Arroyo para guluhin ang halalan sa Mayo – KMU
- On her 63rd birthday: Workers wish prison term for Arroyo
- CJ Corona, ‘koronang tinik’ kay Noynoy
Farewell birthday ng masa para kay Gloria, bukas sa lahat ng pampulitikang pwersa
Inanunsyo ngayong araw ng militanteng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang imbitasyon sa lahat ng pampulitikang pwersa na lumahok sa farewell birthday na pagbati ng masa kay Gloria Arroyo sa Abril 5, na mamarkahan ng koordinadong noise barrage at programa sa buong Kamaynilaan.
“Ang lahat ng grupo, alyansa at koalisyon na may iba’t ibang pulitika ay iniimbitahan na lumahok sa protestang bati kay Arroyo sa kanyang kaarawan sa Lunes. Panawagan naming na isantabi muna ang elektoral na pagkakagrupo at makiisa sila sa pag-wish ng huling kaarawan ni Gloria sa Palasyo,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Maari silang bumusina, pumito, magpatugtog ng malakas at sumigaw para sa ipanawagan ang pagbaba sa pwesto si Arroyo sa Hunyo 30. Iyon ang ating paraan para iparinig ang pagkasuklam sa pagkahayok niya sa kapangyarihan,” dagdag niya.
Gaganapin ang metro-wide na protesta na binansagang “Birthday ni Gloria, Babay-Day ng Masa” sa Novaliches Bayan Litex, Commonwealth Luzon, Kalentong, Plaza Hernandez, Marikina Sports Complex at sa Trabajo Market mula alas-4 hanggang 5 ng hapon. Pagkatapos nito ay ihahatid ng engrandeng farewell gift sa Malakanyang.
Pulong ng JBC, sa Abril 5 din
“Hindi dapat palampasin ng lahat ng pampulitikang grupo ang akmang pagkakataon para ipakita ang pinakamalawak na pagtutol sa anumang pakana para makapanatili sa poder si Arroyo, lalo pa’t magpupulong din ang Judicial and Bar Council hinggil sa ‘midnight CJ’ sa mismong kaarawan ni Arroyo,” ani Labog.
Itinakda ng JBC ang pulong sa Abril 5 sa Baguio City matapos payagan ng Korte Suprema si Arroyo na piliin ang susunod na punong mahistrado, na bahagi ng plano para iabswelto si Arroyo mula sa kanyang mga krimen.
Devil’s birthday pagkatapos ng Easter
Sinabi rin ng KMU na papatak ang kaarawan ni Arroyo pagkatapos mismo ng Easter o Linggo ng Pagkabuhay – na nagbibigay diin sa tunggalian sa mabuti at masama.
“Kaarawan ng demonyong si Arroyo pagkatapos mismo ng pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Kinakatawan nito ang paglaban para sa wasto at makatarungan sa ilalim ng madilim na pamamahala ni Arroyo,” ani Labog.
“Pero titiyakin naming ipagdiriwang ng demonyo ang kanyang kaarawan sa sunod na taon sa mala-impyernong kulungan dahil doon siya nararapat,” dagdag niya.
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 18 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed