Skip to main content

Patatagin ang sistemang pangkalusugan para isalba ang mga nars – KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileaGdZR2 could not be copied.

Nars na walang trabaho, posibleng dumami dahil sa pagbaba ng demand, kawalan ng sapat na ospital

Igiit ng Kilusang Mayo Uno ngayong araw na dapat patatagin ng gobyernong Arroyo ang sistemang pangkalusugan sa bansa para maisalba ang mga nars na nasa bingit ng kawalang trabaho. 

Ayon sa KMU, signipikanteng bahagi ng 37,527 na nars na nakapasa sa nakaraang nursing board exam ay maaring lumanding sa part-taym o kontraktwal na trabaho, o mas masahol, sa kawalan ng trabaho dahil pam-impis ng demand sa nars sa ibang bansa sa harap ng pandaigdigang krisis.

“Mabigat na problema ang kinakaharap ng mga bago nating nars dahil sa hindi pa rin nagigising ang gobyerno sa reyalidad na may labis na suplay ng nars at kailangang gumawa ng matagalang programa para lumikha ng trabaho para sa kanila,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. 

“Hindi makakatulong kung ipagpapatuloy lang ng gobyernong Arroyo ang pagbebenta ng mga Pinoy na nars sa trabaho sa ibang bansa sa kabila ng malinaw na sobrang suplay ng nars nitong nakaraang mga taon. Hindi rin makakatulong kung patuloy na ipagyayabang ng gobyerno ang emergency employment na alok nito para sa mga nars na walang trabaho. Gusto lang itago ng programang ito ang malinaw na kawalan ng oportunidad sa bansa para sa mga Pinoy na nurse,” dagdag niya. 

Noong Pebrero ng isang taon, inilunsad ng labor department ang “Nurses Assigned in Rural Service (NARS) Project para umano pahinain ang epekto sa mga manggagawa ng krisis sa ekonomiya ng daigdig. Pero ayon sa KMU, malinaw na panandalian lang ang programa, na magpapatrabaho sa mga nars sa loob lang ng anim na buwan. 

“Karamihan sa mga nars na nabigyan ng lisensya, nahaharap sa masaklap na kinabukasan. Naglaan sila ng panahon at pera sa kolehiyo para lang magkaroon ng trabahong kontraktwal na posible pang ni walang kinalaman sa pinag-aralan nila. Tulad ng ibang manggagawa at empleyado, biktima sila ng pagkabigo ng gobyerno na lumikha ng disente at may-seguridad na trabaho dito sa bansa,” sabi ni Labog. 

“Nakakagalit isipin na mas pinili ng rehimeng ito na i-eksport ang mga nurse at ipailalim sa kontraktwalisasyon ang iba pang nars. Dobleng pagkakamali ito na nagsasadlak sa mga nars sa madilim na hinaharap,” dagdag ni Labog. 

Sabi ni Labog, dapat magdiin ang gobyerno sa paglikha ng regular na trabaho sa serbisyong pangkalusugan sa paglikha ng mas maraming pampublikong ospital, pagpapalakas sa mga ospital ng gobyerno na nariyan na, at magbigay ng sapat na suporta at pasilidad para sa kalusugan sa mga probinsya. #

 

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments