Pakanang takeover ng Dole Philippines sa lokal na unyon, tinuligsa ng KMU
Error
Related posts
- Panawagang magbantay at kumilos laban sa mga pakana ni Arroyo na manatili sa pwesto
- GMA’s SONA report on workers will be far from this:
- Workers vow to struggle for needed change in state of nation
- Militant salute to the Nestlé workers’ 9th year of struggle
- KMU office almost intruded; Labor center on alert to mounting threats
Ginagamit na naman ng higanteng kumpanya
ng Dole Philippines ang isang pekeng organisasyon ng mga empleyado para ikampanya
ang impeachment ng mga aktibong lider
ng unyon at mapatupad ang management
takeover ng unyon. Tugma ang hakbanging ito sa balangkas ng gobyerno at
malalaking negosyo para lusawin ang mga unyon.
Nagpatawag ang UR-Dole, pekeng organisasyon
ng mga empleyado na suportado ng kumpanya, ng isang general assembly para
ikampanya ang pagpapatalsik sa mga lider ng Amado Kadena, ang lokal na unyong
may 5,000 kasapi at nasa ilalim ng National Federation of Labor Unions -KMU
(NAFLU-KMU).
“Malinaw na walang karapatan ang UR-Dole
na magpatawag ng pulong. Paano magiging lehitimo ang kanilang panawagan e sila
itong namimigay ng mga polyeto at nagpapatakbo ng programa sa radyo na
nagdidiin na komunista ang mga miyembro ng unyon? Wala silang pinagkaiba sa
yunit ng militar na iligal na umaresto sa 43 manggagawang pangkalusugan sa
Morong, Rizal,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Pakana na naman ito ng Dole Philippines
para agawin ang pamunuan ng unyon at masakatuparan ang management takeover sa unyon. Pakana rin ito para supilin ang
panawagan ng mga manggagawa para ipatupad ang probisyon sa CBA hinggil sa
benepisyo,” dagdag niya.
Inutusan ng Department of Labor and
Employment (DOLE) ang AK para maglunsad ng isang general assembly para umano pag-usapan ang mga probisyon sa CBA na di
ipinapatupad. Pero inunahan ng Dole Philippines ang AK gamit ang UR-Dole, gamit
ang order ng DOLE para tipunin ang
mga manggagawa at manawagan ng impeachment.
“Gamit ang bayarang aso nito, niluluto na
naman ng Dole Philippines ang isang desperadong taktika para siya mismo ang
magpatakbo ng unyon. Tulad ng mga nakaraang iskema nito gaya ng iligal na
pag-aresto sa president ng unyon, mabibigo rin ang taktikang ito dahil
pinalakas mismo ng mga anti-manggagawang hakbangin ng kumpanya ang pagkakaisa
ng mga manggagawa,” ani Labog.
Noong Hulyo 19, 2007, inaresto ng pulisya
ang presidente ng AK-NAFLU-KMU na si Jose “Ka Jt” Teruel sa bintang na
pagpapalsipika ng mga pribadong dokumento. Isinampa ang bintang ng National
Federation of Labor, isa pang grupo na suportado ng kumpanya.
Matapos ang pag-aresto, sinibak din sa
unyon ang bise-presidente, ingat-yaman at kalihim ng unyon ng Dole Philippines
sa bintang na “absent without permission.”
“Pursigido ang mga malalaking kumpanya
tulad ng Dole Philippines na durugin ang mga unyon ng KMU dahil salungat sa
kanilang sobrang pagkaganid ang tunay at militanteng unyonismo. Gusto nila
kaming durugin para madali nilang mapatupad ang mga anti-manggagawang patakaran
tulad ng tanggalan at kontraktwalisasyon sa ngalan ng tubo,” paliwanag ni
Labog.
Sinabi ng KMU na ang mga anti-unyong
hakbangin ng mga dayuhang kapitalista ay kadikit ng patakaran ng rehimeng
Arroyo para lusawin ang kilusang paggawa. Sa Dole Philippines, nasa porma ito
ng anti-unyong lektyur at harasment ng mga militar sa 24,000 ektaryang
plantasyon. Sa pambansang saklaw, may 93 lider-manggagawa na ang biktima ng
panunupil sa kilusang paggawa.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 18 hours ago - The past employee who started
2 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 21 hours ago - Responsabile di global
4 days 22 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 22 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 22 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 22 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 22 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 23 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 23 hours ago
Most discussed