Mula EDSA 1: Minimum na sahod, tumaas lamang ng P172; Regional wage boards nagbunsod ng barya-barya, kalat-kalat na wage hike
Error
Related posts
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
- KMU sa Ecop: May tanggalan kahit walang dagdag-sahod
- Pagtaas ng matrikula, dagdag pasanin sa harap ng nagtataasang presyo, napakong sahod – KMU
- Higit pa sa condoms, pambansang dagdag sahod, disenteng trabaho ang kailangan – KMU
Maituturing na isa sa mga positibong pamana ng EDSA 1 ang kalayaan sa pamamahayag, pero walang duda na hindi kasama sa listahan ang pagkakatatag ng mga regional wage board, ayon sa Kilusang Mayo Uno.
Sinabi ng KMU na ang paglikha sa mga regional wage board noong 1989 sa ilalim ng Republic Act 6727 ng administrasyong Aquino ay nagbunsod ng barya-barya at kalat-kalat na pagtaas ng sahod. Mula 1989, tumaas lamang ng P172 ang sahod sa iba’t ibang rehiyon – malinaw na insulto sa pagpapagod ng manggagawa sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Sa Central Visayas naitala ang pinakamababang pagtaas ng sahod na nasa limang piso, kung pagtaas man ang maituturing dito. May average na 14 wage order ang naipatupad kada rehiyon mula 1989. Karamihan dito ay hinggil sa isang digit lamang na pagtaas sa batayang pasahod.
“Dalawampu’t apat na taon matapos ang People Power, patuloy na walang pang-ekonomiyang kapangyahiran ang mga manggagawa dahil sa napakababang pasahod, na ipinako ng mga regional wage board kasabwat ang malalaking negosyo,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Mismong ang pagkakatatag ng mga regional wage board sa ilalim ng administrasyong Aquino ay simula ng garapalang panlilinlang sa mga manggagawa sa usapin ng sahod. Nakabalangkas kasi ito para panatilihing barya-barya lamang ang maaring pagtaas ng sahod at limpak-limpak na tubo ang hahakutin ng mga kumpanya,” dagdag niya.
Ani Labog, ginawang imposible ng mga regional wage board ang isang pambansang dagdag-sahod dahil nalipat ang responsibilidad ng pagtataas ng sahod sa mga panrehiyong sentro.
“Ipinagmumukha ng ganitong patakaran na mas pleksible ang sahod batay sa iba-ibang cost of living sa mga rehiyon. Ang totoo, lalong lumaki ang agwat ng minimum na sahod at ng cost of living sa bawat rehiyon,” ani Labog.
Ginamit na halimbawa ni Labog ang kasalukuyang cost of living sa NCR na nasa P920, na malayong malayo sa minimum na pasahod na P382.
Sinabi ni Labog na ang pagkakatatag sa mga regional wage board ay mapanghati sa laban ng mga manggagawa para sa signipikanteng dagdag-sahod sa buong bansa. Inilipat kasi nito ang bargaining sa kada rehiyon.
Kamakailan lamang, iniulat ng wage board sa Zamboanga at Eastern Visayas ang rebyu sa petisyong P50 dagdag-sahod, samantalang pinag-aaralan umano ng wage board sa Western Visayas ang posibleng P128 dagdag-sahod - mga huwad na hakbang para pagaanin ang pasanin ng mga manggagawa.
“Sa harap ng bagong panukala na dagdag-sahod sa tatlong rehiyon, hindi dapat malinlang ang mga manggagawa. Sa halip, kailangang pagtibayin ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon para sa P125 na legislated na dagdag-sahod sa buong bansa,” ani Labog. #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
4 days 4 hours ago - The past employee who started
5 days 2 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
5 days 7 hours ago - Responsabile di global
1 week 7 hours ago - Takahashi precedentemente
1 week 7 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 7 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 3 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 3 days ago
Most discussed