Lider-obrero, nagpiket sa Dole Philippines dahil sa management takeover sa unyon
Error
Related posts
- Labor leaders picket Dole Philippines main office amid takeover of local union
- Pakanang takeover ng Dole Philippines sa lokal na unyon, tinuligsa ng KMU
- Workers pressure Dole Philippines to stop harassment, union busting
- Dolefil employees protest management’s bad faith and unfair labor practices in their CBA negotiations
- Sahod, trabaho at karapatan – ipaglaban! Iboto ang tunay na unyon ng mga manggagawa!
Kinondena ngayon ng National Federation of Labor Unions, pederasyon ng mga manggagawa, ang tinawag nitong “pag-takeover ng manedsment” sa unyon ng mga manggagawa sa plantasyon ng Dolefil sa Timog Cotabato. Ayon dito, gumagamit ang manedsment ng Dolefil ng “lantarang iligal na hakbangin” para durugin ang militanteng lokal na unyon.
Sa isang piket sa harap ng main office ng Dolefil sa Ayala Avenue, Makati, nagsalitan ang mga miyembro at lider ng Naflu sa pagkondena sa pag-impeach sa mga aktibong lider-unyon ng Amado Kadena-Naflu-Kilusang Mayo Uno sa isang general assembly na ipinatawag ng UR Dole, ang unyong suportado ng manedsment. Naghalal din ng mga bagong opisyales na suportado ng manedsment sa naturang asembliya.
“Malinaw na iligal ang ‘general assembly’ na ipinatawag ng UR Dole at ng manedsment ng Dolefil. Hindi mo pwedeng ipatawag ang mga manggagawa sa isang general assembly kung hindi ka naman opisyal ng unyon. Hindi mo pwedeng i-impeach ang mga opisyal nang walang kaukulang proseso. At hindi mo pwedeng ihalal ang sarili mo sa pamamagitan ng iligal na general assembly,” sabi ni Antonio “Tony” Pascual, secretary-general ng Naflu.
Nitong nakaraang linggo lang, sinuportahan ng manedsment ng Dolefil ang resulta ng iligal na “general assembly.” Kasunod ito ng mga ulat na responsable ang manedsment ng Dolefil sa paghahatid ng mga tao sa pinagdausan ng iligal na “general assembly” sa gamit ang mga sasakyan ng kumpanya.
“Gustong magmukhang sopistikado ng manedsment ng Dolefil sa mga hakbanging ito, at gumamit pa ito ng unyong suportado nito para ipatupad ang sariling plano. Pero nakikita ng mga manggagawa at sambayanang Pilipino ang katotohanan. Ginagamit ng isang kumpanyang transnasyunal ng US ang kapangyarihan nito para durugin ang unyon at baluktutin ang lahat ng ligalidad para maisulong ang interes nito,” dagdag niya.
Ayon sa Naflu, naging militante ang lokal na unyong Amado Kadena sa paggigiit ng mas mataas na sahod, seguridad sa trabaho at mga karapatan kasama ng mga manggagawa ng Dolefil. Dahil dito, ayon sa Naflu, matagal nang gustong buwagin ng manedsment ng Dolefil ang lokal na unyon.
“Tanging presyur mula sa mga mamamayan ang makakapigil sa kagustuhang tumubo. Kaya kailangang ipresyur ang manedsment ng Dolefil sa ating mga panawagan: Huwag kilalanin ang iligal na ‘general assembly’! Itigil ang pagbuwag sa unyon ng mga manggagawa sa plantasyon ng Dolefil! Sana, maging patas man lang ang manedsment ng Dolefil sa pagharap sa unyon,” sabi ni Pascual.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 30 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 5 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed