Skip to main content

KMU kay Villar: Libing-pambayani kay Marcos, pag-isipan; aralin ang kasaysayan

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filepcHTAH could not be copied.

Nanawagan ngayon ang militanteng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Manny Villar na “pag-aralan ang mga leksyon ng kasaysayan” matapos sabihin ng huli na “bukas” siya sa libing pambayani para kay dating pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi nitong huli ni Villar na walang problema sa paglibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani, at dapat tingnan ang mga nagawa nito “sa tamang perspektiba.”

“Dapat aralin ni Sen. Villar ang mga leksyon ng kasaysayan kaugnay ng pumanaw na diktador at kung paano itinulak ng dating pangulong Joseph Estrada ang libing pambayani kay Marcos pero napwersa siyang umatras dahil sa mga protesta ng mga manggagawa at sambayanang Pilipino,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.

“Malinaw na hindi bayani si Marcos. Ang mga bayani, naglilingkod sa sambayanang Pilipino. Si Marcos, pinaglingkod ang sambayanang Pilipino sa sarili at sa amo niyang imperyalista sa pamamagitan ng kamay na bakal. Hindi pagiging bayani iyun,” dagdag ni Labog.

Ipinaalala ng lider-manggagawa ang nangyari noong 1998, nang pumayag ang dating pangulong Estrada na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“Ang isyung ito, ng libing pambayani kay Marcos, ang unang malaking isyu ng mga manggagawa at sambayanang Pilipino kay dating pangulong Estrada. Bago pa man siya manumpa bilang pangulo, nagmartsa na sa lansangan ang mga manggagawa at mamamayan laban sa panukala niya,” sabi ni Labog.

Bagamat kinikilala ni Labog na panauhing kandidato ang mga progresibong mambabatas na sina Satur Ocampo at Liza Maza ng Nacionalista Party ni Villar, sinabi niyang tututulan ng mga manggagawa at sambayanan ang libing pambayani para kay Marcos sa ilalim ng kahit anong gobyerno.

“Syempre, alam naman natin na si Sen. Villar ang may tapang na ipasok sina Ka Satur at Ka Liza bilang panauhing kandidato, gayundin ang ilang bahagi ng progresibong plataporma, sa kanyang kampanya. Pero matatag kami sa pagtutol sa libing pambayani para sa isang diktador na nagdulot ng matinding kahirapan at pagdurusa sa bansa,” sabi ni Labog.  

 

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments