Emergency powers, hudyat ng ‘mas mahabang kadiliman’ – KMU
Error
Related posts
- Emergency powers for power crisis prelude to ‘longer darkness’ - KMU
- Local officials told: End lavish spending for ASEAN Summit; Help victims of typhoon Reming instead
- 125 bago ang Hunyo 30: P125 dagdag-sahod, hinirit ng KMU, Anakpawis sa mga presidentiable
- KMU kay Villar: Libing-pambayani kay Marcos, pag-isipan; aralin ang kasaysayan
- 24 taon matapos ang Edsa Radikal na pagbabago, kailangan pa rin – KMU
Pagdurusahan ng mga Pinoy ng isang dekada pa ng madilim na paghahari ni Gloria Arroyo kung papayagan siyang magkaroon ng emergency powers dahil sa lumalalang sitwasyon ng kuryente sa maraming parte ng bansa, babala ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ngayon.
“Sa halip na maresolba ang salit-salitang brownout at kakapusan ng kuryente sa maraming bahagi ng bansa, magagamit lang ang emergency powers ni Arroyo para pahabain ang kadiliman sa bansa. Sigurado, gagamitin niya ito para panatilihin ang sarili sa kapangyarihan,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
“Kung mabibigyan siya ng emergency powers, posibleng gamitin ni Arroyo ang masaklaw na kapangyarihan para pahusayin ang mga operasyon sa pagsabotahe sa eleksyon sa Mayo 10. Mas malala, posible niyang gamitin ito para magproklama ng batas militar para makatakas sa paghahabla at pagpaparusa at para maghari lampas 2010. Mas nakakapangamba ang emergency powers kaysa sa kasalukuyang krisis sa kuryente,” dagdag niya.
Ayon sa KMU, grabeng inabuso ni Arroyo ang pagpapasyang ehekutibo sa nakaraan para sa kanyang makasariling interes. Noong 2006, nagdeklara si Arroyo ng Proclamation No. 1017 o state of national emergency para brutal na durugin ang lumalakas na mga protesta para patalsikin siya.
Matapos ang pagmasaker sa 57 katao sa Maguindanao, ginamit ni Arroyo ang deklarasyon ng state of emergency sa probinsya para pagtakpan ang mga ebidensya ng pandaraya sa eleksyon, kasama na ang mga balota at armas ng gobyerno na natagpuan sa tahanan ng mga Ampatuan.
“May rekord na siya ng paggamit sa emergency powers para makaligtas. Ngayon, handang-handa siyang gamitin ito ulit para ipagpatuloy ang madilim niyang paghahari at iwasan ang paghahabla at pagpaparusa para sa di-mabilang niyang krimen sa sambayanan,” sabi ni Labog.
“Sa harap ng maliit na tsansang manalo ng kandidato ng administrasyong si Gilbert Teodoro at ng tumitinding galit ng sambayanan sa kanyang bulok na rehimen, nilalaro ni Arroyo ang posibilidad ng paggamit ng emergency powers. Ang mas matinding panganib, pwede niyang gamitin ito kahit anong oras.”
“Kaya kailangang patindihin ng mga manggagawa at sambayanang Pilipino ang pagbabantay sa iba’t ibang iskema ni Arroyo para manatili sa kapangyarihan. Hindi natin dapat tigilan ang pagbabantay kahit kampanyang pang-eleksyon na,” dagdag niya.
Binalaan ng KMU ang mga mambabatas laban sa pagtulak sa presidente na gumamit ng emergency powers dahil sa krisis sa kuryente. Ayon dito, sasambulat ang isa pang People Power kapag ibinigay nila ang maitim na kagustuhan ni Arroyo at ginamit niya ito para isulong ang kanyang interes.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
4 days 4 hours ago - The past employee who started
5 days 2 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
5 days 7 hours ago - Responsabile di global
1 week 7 hours ago - Takahashi precedentemente
1 week 7 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 7 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 7 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 7 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 3 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 3 days ago
Most discussed