Dagdag na ‘seguridad’ sa North Harbor ilag araw bago ang takeover, kinondena ng KMU
Related posts
- Ports Authority, Manny Pangilinan, sinabihan: ilabas ang plano sa North Harbor
- Manggagawa ng North Harbor, todo-bantay pa rin laban sa eskirol; Memo sa pagpapaliban ng takeover, panlalansi lang
- Sa harap ng takeover sa North Harbor: Hiling sa pasko ng obrero sa pier: Bagong TOR bago ang bagong taon
- Libu-libong manggagawa ng pier, lumusob ulit sa Malakanyang para igiit ang seguridad sa trabaho
- Bagong taong walang trabaho,’ ipinrotesta ng obrero ng North Harbor
Manggagawa sa pier, lalo lamang itinutulak sa mas malaking pagkilos
Kinastigo ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang pagpasok ng dagdag na 200 security guard sa Manila North Harbor kahapon. Sinabi ng grupo na patunay ito ng desperasyon ng bagong port operator na supilin ang mga manggagawa na hindi payag sa nakatakdang takeover ng pier sa Peb. 15.
Ayon sa KMU, pumasok kahapon ang mga gwardiya kasabay ang pagpapasok ng 120 forklift. Namataan din ang mga elemento ng Philippine National Police na umaaligid-ligid sa port terminal. Nakatayo na rin ang isang military barracks malapit sa North Harbor.
“Patunay ang lahat ng mga hakbanging ito para takutin at i-harass ang mga manggagawa ng kagustuhan ng rehimeng Arroyo na makipagtulungan sa mga nanalong bidder sa pagpapatupad ng marahas na takeover ng pier,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
Sinubukan ng KMU na makipagnegosasyon sa Manila North Harbor Port, Inc. (MNHPI), ang joint venture ng Metro Pacific Investment Corp. na pag-aari ni Manny Pangilinan at Harbor Centre na nanalo sa bidding. Pero hanggang sa ngayon, walang tugon ang kumpanya.
“Sinubukan namin makipagnegosasyon para ibasura ang planong tanggalan ng mahigit 5,000 manggagawa at pagtataboy sa mahigit 35,000 residente sa North Harbor. Subalit papatinding represyon ang tanging tugon ng kumpanya,” ani Labog.
“Sa kabilang banda, ipinapakita ng mga desperadong hakbang na panseguridad na takot ang pribadong kumpanya sa pontensyal ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at residente para pilayin ang operasyon ng North Harbor,” dagdag niya.
Sinabi na Labog na maraming beses na binigo ng mga nakaraang malalaking pagkilos ang takeover sa pier. “At dahil sa dagdag na mga gwardiya at armadong elemento ng gobyerno, lalong tinutulak ng MNHPI at ng rehimeng Arroyo ang mga manggagawa at residente na maglunsad ng higit na mas malaking aksyon.”
“Handang handa na rin ang mga pangrehiyong pormasyon at unyon ng KMU sa pagkasa ng pambansang koordinadong piket kung hindi ipatitigil ng Department of Labor and Employment at ng gobyerno ang malawakang tanggalan,” dagdag ni Labog.
Ayon kay Labog, nakikipag-ugnayan na rin ang KMU sa mga unyon at pormasyong pangmanggagawa sa ibang bansa sa mga posibleng paraan ng pagpapakita ng suporta sa laban sa North Harbor. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed