24 taon matapos ang Edsa Radikal na pagbabago, kailangan pa rin – KMU
Error
Related posts
- 125 bago ang Hunyo 30: P125 dagdag-sahod, hinirit ng KMU, Anakpawis sa mga presidentiable
- Emergency powers, hudyat ng ‘mas mahabang kadiliman’ – KMU
- KMU kay Villar: Libing-pambayani kay Marcos, pag-isipan; aralin ang kasaysayan
- Local officials told: End lavish spending for ASEAN Summit; Help victims of typhoon Reming instead
- 24 years after Edsa, radical change still needed – KMU
Sa gitna ng pagdiriwang sa ika-24 na anibersaryo ng pag-aalsang “people power” noong 1986 na nagpatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos, sinabi ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno na nagbago lang ng mukha ang rehimeng Marcos at naggigiit pa rin ang mga manggagawa at sambayanang Pilipino ng malalim na pagbabago sa bansa.
“Pinalitan natin si Marcos pero nakita lang natin siyang magpalit ng mukha sa mga sumunod na pangulo. Kahirapan, kagutuman, kawalang-trabaho, katiwalian, karahasan – parang pangit na sinulid ang mga ito na tumatahi sa mga gobyernong pumalit sa kanya,” sabi ni Joselito “Lito” Ustarez, executive vice-president ng KMU.
“Pinatindi lang ng mga rehimen pagkatapos ng Edsa ang komprehensibong atake sa ating mga karapatan at interes bilang mga manggagawa at mamamayan. Kaya nakikipaglaban pa rin kami para sa pagbabago. Matapos nating matutunan ilang dekada na ang nakakaraan na hindi mababago ng eleksyon ang sistema, nagiging malinaw sa maraming tao na kahit ang mga pag-aalsang people power ay hindi sasapat. Kailangan natin ng mas radikal,” sabi ni Ustarez.
“Ilang panahon lang matapos maging presidente ni dating Pangulong Cory Aquino noong 1986, maraming tao na ang nagsabing mga mukha lang sa gobyerno ang nagbago, at wala na masyadong iba pa. Hindi binago ng Edsa 1 ang batayang istrukturang panlipunan at pang-ekonomiya ng bansa. Ngayon, 24 na taon pagkatapos, napapatunayan natin na totoo ang mga sinabing iyan,” dagdag niya.
Ani Ustarez, nagbago ang batayang pagkain ng mahihirap mula galunggong noong huling hati ng dekada 1980 hanggang instant noodles ngayon. Isa sa bawat tatlong Pinoy ang dumaranas ng gutom nang hindi ginugusto. Ang iilang trabaho ngayon ay mas walang katiyakan dahil sa kontraktwalisasyon. Tinatayang 40% ng pambansang badyet ang napupunta sa katiwalian. At nagpapatuloy ang lantaran at maramihang paglabag sa karapatang pantao.
“Nagbago lang ng porma ang mga atake sa kabuhayan at karapatan ng sambayanan – at may batayang sabihing sumahol pa nga sa pagdaan ng panahon. Nagdeklara si Marcos ng batas militar; si Gloria, hindi – pero pareho lang ang resulta: daan-daang patay, dinukot, napalayas o nasaktan,” sabi ni Ustarez.
Sabi pa ng lider-obrero, patuloy na tinatamaan ang mga manggagawa ng mga atake sa kanilang sektor na ginawa noong gobyernong Aquino. Binanggit niya ang Herrera Law na nagligalisa sa kontraktwalisasyon ng paggawa at sa kapangyarihang Assumption of Jurisdiction ng sekretaryo ng paggawa sa mga alitan sa pagawaan, gayundin ang rehiyunalisasyon ng sahod sa pamamagitan ng mga wage boards.
“Sa halip na pabutihin ang lagay ng mga manggagawang Pinoy, naglunsad ang gobyernong Aquino ng mga atake sa aming karapatan at interes sa lahat ng panig. Sa usapin ng seguridad sa trabaho, pinalaganap ang kontraktwalisasyon ng paggawa. Sa usapin ng pagsupil sa kilusang paggawa, pinayagan ang sekretaryo ng paggawa na magpadala ng mga militar at pulis sa mga alitan sa pagawaan. At sa usapin ng sahod, pinahirap nito nang doble ang pagtataas ng sahod sa buong bansa sa paglikha ng mga regional wage boards,” ani Ustarez. #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 26 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed