Pambansang Lakbayan para sa lupa at katarungan, suportado ng obrero
Related posts
- Pambansang caravan ng magbubukid, suportahan – KMU
- Ipinagbubunyi ng mga manggagawa ang maka-magsasakang desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita
- Anakpawis, nangakong igiit ang katarungan sa Luisita, ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- Caravan ng isang libo patungong Luisita sa Lunes Lupa at katarungan para sa mabubukid ng Luisita! – Anakpawis
- Kontra-magsasaka ang desisyon ng Korte Suprema! Sumama sa protesta sa Hulyo 22!
Sa pagsisimula ng pambansang Lakbayan ng mga magbubukid ngayong araw, nangako ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno at ang mga pormasyong panrehiyon nito ng lubos na pagsuporta sa 10-araw na martsa para sa lupa at katarungan. Ayon dito, “kaisa ang mga manggagawa ng mga magsasaka sa pagtutulak ng tunay na reporma sa lupa at paglaban para sa katarungan para sa lahat ng biktima ng terorismo ng estado.”
Sabi ng KMU, sasanib ang mga manggagawa sa hanay ng Lakbayan mula sa Mindanao at Hilagang Luzon sa mahahalagang lugar bilang pakikiisa at suporta sa mga magsasakang biktima ng malawakang pang-aagaw ng lupa at pandarahas ng militar sa ilalim ng mga luma at ng kasalukuyang rehimen.
“Binabantaan namin ang mga humaharang sa landas ng paglaban para sa lupa at katarungan: libu-libong manggagawa ang makikiisa sa hanay ng mga magbubukid para maghatid ng malakas at militanteng pahayag laban sa mga pakana nila. Ilalantad ng makasaysayang martsang ito sa buong bansa ang deka-dekada nang monopolyo nila sa lupa sa bansa,” sabi ni KMU chairperson Elmer “Bong” Labog.
“Kaming mga manggagawa ay nakikiisa sa mga magbubukid dahil alam naming pwede lang mabago ang ekonomiya nating dinodomina ng mga dayuhan sa pamamagitan ng paglaban para sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka para matiyak ang agrikulturang nakakabuhay para sa mg Pilipino,” dagdag niya.
Sabi ni Labog, sasalubungin ang hanay ng Lakbayan ng libu-libong manggagawa sa pagpasok nila sa Metro Manila. Magtatapos ang pambansang Lakbayan ng mahabang martsa mula sa Department of Agrarian Reform patungong Mendiola sa Enero 22. Paggunita ito sa Mendiola Massacre noong 1987, kung saan 13 nagpoprotestang magsasaka ang brutal na pinaslang ng mga pulis.
“Kaisa ang mga manggagawa ng mga magbubukid sa paglaban para sa katarungan para sa lahat ng pinaslang na magsasakang lumaban para sa tunay na reporma sa lupa. Kaisa rin nila kami sa paglaban sa malawakang pagkamkam ng lupa, dahil marami sa amin ang napalayas sa aming mga tahanan sa mga probinsya at napwersang tumanggap ng trabahong mababa ang kalidad sa mga lungsod dahil sa land conversion at pag-okupa at panghaharas ng militar,” sabi ng lider-manggagawa.
Sinabi ni Labog na biktima rin ang mga manggagawa ng karahasan ng estado, pinakatampok na halimbawa ang brutal na pagbuwag sa welga at pagpatay sa pitong nagwewelgang manggagawa sa Hacienda Luisita sa Tarlac na pag-aari ng mga Cojuangco.
“Sa puntong ito ng kasaysayan, may parehong kaaway ang mga manggagawa at magsasaka – at iyan ay walang iba kundi ang kontra-magbubukid at kontra-mamamayang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo,” dagdag ni Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed