Mas masahol na krisis, nakaamba sa obrero dahil sa patuloy na kawalan ng disenteng trabaho – KMU
Related posts
- Pagtutuwid ng KMU: 10 milyong Pilipino, walang trabaho
- Patatagin ang sistemang pangkalusugan para isalba ang mga nars – KMU
- Dubai crisis, magpapalobo sa impormal na sektor – KMU
- K-12: dagdag-bayarin, dagdag-pasanin – KMU
- 2009: Taon ng matinding tanggalan, barat na sahod Pero patuloy ang obrero sa paglaban
Kinakaharap ng mga manggagawa ang mas masahol na krisis ngayong taon dahil sa patuloy na pagpapatupad ng kontraktwalisasyon ng gobyerno at kawalan ng regular at disenteng trabaho, ayon sa Kilusag Mayo Uno.
Sinabi ng KMU na sa kabuuang 38.2 milyong manggagawa, mahigit 25 milyon ang walang trabaho o kaya’y walang regular na trabaho. Nangangahulugan ito na tatlo sa bawat limang manggagawa ay biktima ng kawalan ng trabaho, malawakang tanggalan at matinding kontraktwalisayon at iba pang flexible labor arrangements.
“Ipinapakita ng papalaking bilang ng mga manggagawang kontraktwal at impormal ang papalaki ring bilang ng mga manggagawa na higit pang bulnerable sa krisis dahil hindi sila sakop ng proteksyong sosyal at pormal na patakaran hinggil sa paggawa,” ani Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.
Sa unang kwarto ng nakaraang taon, ipinatupad ng gobyernong Arroyo ang DOLE Advisory No. 2, na siyang nag-utos ng mas brutal na flexible labor arrangements tulad ng forced leave, job rotation at reduced workhours. Mula nang ipatupad ito, paparaming bilang ng manggagawa ang naiulat na sumasabak sa impormal na trabaho para madagdagan ang pinaliit pang sahod dahil sa iskema.
“Isang taon matapos ang rurok ng malawakang tanggalan at labor flex schemes, nanatiling padausdos ang mga manggagawa sa mas malalim na krisis dahil sa pagkabigo ng gobyernong lumikha ng pangmatagalang programa para sa kabuhayan. Ang tanging nagawa lamang ito ay makipagsabwatan sa mga kapitalista para ilako ang part-time at mababang kalidad ng trabaho gamit ang mga job fairs o job fairytales,” ani Soluta.
Ani Soluta, ang dagdag na 994,000 trabaho na nilikha umano ng gobyerno noong nakaraang taon ay kapos pa rin sa pinagsamang bilang ng bagong graduates (nasa 1.2 million) at bilang ng mga natanggal sa nakaraang taon (na hindi bababa sa 70,000). Ibang usapin pa ang pamemeke ng datos ni Gloria hinggil sa bilang ng trabaho.
“Kung totoo man na 944,000 nga ang nalikhang trabaho, wala naman itong kakayahang magbigay ng disente at matatag na bukas dahil ang mga trabahong ito ay kontraktwal at maliitan lamang ang sahod,” aniya.
Dagdag niya, tila nahihibang na naman ang gobyerno sa pagmamalaki nito sa Comprehensive and Emergency Employment Program (CLEEP) bilang isang mayor na tagumpay sa nagdaang taon.
“Kung tutuusin, mas masahol pa ang pagtratrabaho sa ilalim ng CLEEP kumpara sa fast food chain, dahil tatlong buwan lamang ang kontrata sa CLEEP. Pero higit na masahol ang emergency employment na programa ni Arroyo matapos dumaan ang mga bagyo, dahil mala-aliping trabaho na tatagal lamang ng 2 linggo ang inialok sa mga natanggal na manggagawa,” ani Soluta.
Sinabi ng KMU na ang papalaking bilang ng mga Pilipinong nangingibang-bansa para maghanap ng trabaho kada araw, na ngayo’y nasa 4,100, ay “matalas na sumasalamin sa bigong programa ng gobyerno para lumikha ng disenteng trabaho.”
“Sa harap ng papalubog na kalagayan ng paggawa, nararapat na magkaisa ang mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa sa paglaban para sa disenteng trabaho at pagpigil sa dagdag pang atake sa kabuhayan,” ani Soluta. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed