Skip to main content

Leksyon ng Haiti: Patakarang maka-US, nagpapalubha ng lindol

Ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno, dapat matuto ang gobyerno sa karanasan ng mga mamamayan ng Haiti sa kakatapos na lindol. Ginagawa umanong mas bulnerable ng masasamang patakarang pang-ekonomiyang rekomendado ng US ang mga mamamayang Pilipino sa pinakamasamang epekto ng natural na mga kalamidad. 

Tinamaan ang bansa sa Latin America ng lindol na may lakas na 7.0 noong Martes, ang pinakamalakas sa huling karanasan nito. Napakaraming gusali ang nawasak at pumatay sa tinatayang 500,000 katao. 

Sabi ng KMU, nagiging malinaw ngayon na marami sa mga namatay ang nasa mga siksikan pero mahinang gusali o mga gilid ng burol na tinitirhan ng maraming tao, kasama ang mahihirap na Haitian – na parehong sa Port-au-Prince, kabisera ng Haiti. 

“Idinulot ang konsentrasyon ng maralita sa mga lungsod at ang pagtira nila sa mga mapanganib na lugar ng kumbinasyon ng paglikha sa mga lungsod ng mga planta para sa assembly manufacture at ang pagtatambak sa buong ng mga produktong agrikultural. Mga epekto ito ng pagdomina ng US sa ekonomiya,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. 

“Winasak ng pagtatambak ng produktong agrikultural ng US at ibang bansa ang agrikultura ng Haiti. Malaki pa naman ang subsidyo ng gobyernong US sa mga produktong agrikultural nito. Nagdulot ito ng kawalan ng lupa ng maraming magsasaka,” dagdag niya. 

“Sa kabilang banda, inakit ng mga planta para sa assembly manufacture ang mga magsasakang walang lupa na makipagsapalarang makahanap ng trabaho sa mga lungsod. Itinaboy nito ang mga magsasaka patungo sa mga lungsod, kung saan gumawa sila ng mga bahay sa mga delikadong lugar – tulad ng gilid ng mga burol nakikita natin ngayon sa telebisyon, natatambakan ng mga katawan,” sabi ni Labog. 

Sabi pa ng lider-obrero, ang nangyari sa ekonomiya ng Haiti ay nangyayari sa ekonomiya ng bansa. Ipinahiwatig niya ang posibleng masamang epekto ng natural na mga kalamidad sa Pilipinas. 

“Papalitan mo lang ang ‘planta sa mga lungsod’ ng ‘planta sa export-processing zones’ at pareho na ang itsura: mga magsasakang itinaboy mula kanayunan para mabuhay nang delikado sa mga lugar kung saan may tsansa sila, kahit paano, na makahanap ng trabaho,” sabi ni Labog. 

“Pareho ang itsura dahil may pagkakatulad ang Haiti at Pilipinas: kontrolado ng US ang ekonomiya. Nagpataw ang US ng mga patakarang neoliberal sa mga bansang umano’y papaunlad, na nangwasak ng agrikultura at nagpalaganap ng pansamantalang trabaho sa mahihirap,” sabi ni Labog. 

“Bukod sa pagdudulot ng demograpiya kung saan bulnerable ang mga tao sa kalamidad, pinaghihirap din ng mga patakarang neoliberal ang mga bansa – kaya hindi nila kayang tumugon sa mga kalamidad nang mabilis, sapat at epektibo. Ang mga kailangan ng Haiti ngayon – pagkain, tubig, damit at tirahan – ay kulang na kulang kahit sa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ng bansang iyun,” dagdag niya. 

“Isa na namang panggising sa gobyerno at sambayanang Pilipino ang nagaganap sa Haiti. Kailangan nating lumayo sa mga patakarang ipinapataw ng US, para makagawa tayo ng makataong demograpiya na makakabawas sa negatibong epekto ng mga natural na kalamidad. Para rin magkaroon tayo ng ekonomiyang magbibigay sa ating ng kakayahang tumugon nang mahusay sa mga kalamidad,” sabi ni Labog. #

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments