KMU sa legacy ads: Sinungaling hanggang huli, yan ang Arroyo legacy
Related posts
- KMU on legacy ads: Lying through her teeth up to the last minute, that’s Arroyo’s legacy
- Kakayahang bumili ng Pinoy, nabawasan ng sangkatlo sa ilalim ni Gloria
- EO 839, sirang dam na nagpapakawala ngayon ng matataas na presyo ng petrolyo - KMU
- Sa Ika-Siyam na Round ng SONA, Knock-Out na si Gloria!
- Juan, nasa ‘hungerland’ dahil sa kawalang-trabaho, bagsak na agrikultura – KMU
Buwis ng mamamayan, gagamitin lang sa kampanya ng mga manok ng Palasyo
Kinutya ng Kilusang Mayo Uno ang desperadong “ad campaign” ng rehimeng Arroyo para kumbinsihin ang mamamayan sa mga umano’y positibong nagawa nito sa loob ng nakaraang siyam na taon. Kasinungalingan at paggastos pa para pagtakpan ito – ito ang tatatak na imahe ni Arroyo, bukod ang masamang patakaran niya sa ekonomiya.
Kamakailan lamang, nananwagan ang Philippine Information Agency (PIA) sa iba pang ahensya ng gobyerno na mag-ambag ng pondo para sa mga gagastusin pang “legacy ads” ni Arroyo. “It is better late than never,” pagmayabang pa ng PIA.
“Kahit pa mayroon nang tatlong estasyon ng TV, isang istasyon ng radio, MRT at LRT ads, at isang lupon ng mga tagapagsalita, magkakalat pa si Arroyo ng mas marami pang kasinungalingan sa mga legacy ads na ito. Pero pinatatampok lang nito ang kabaligtaran – na malalim na ang pagkasuka ng taumbayan sa kanyang rehimen at lumala pa ang kahirapan sa bansa,” ani Elmer “Bong” Labog,” tagapangulo ng KMU.
“Lumalabas na ang todo-todong pagsisinungaling hanggang sa huli ang markang iniiwan ni Arroyo sa mga Pilipino. Kahit pa siyam na taon siyang nagmayabang at nagmalaki, wala pa ring maniniwala sa kanya hanggang sa huli – ito ang trahedyang dinudulo ng kanyang rehimen,” dagdag ni Labog.
Ayon pa kay Labog, “imbes na makita ang umano’y pag-unlad ng ekonomiya at pagdami ng trabaho, pinupunto ng paggastos sa legacy ads ang isang bagay: Hindi talaga ramdam ang kaunlaran.”
Sinabi din ng KMU na sa legacy ads, na full centerspread pang nilagay sa mga dyaryo, sinadyang blangko lang ang nilagay sa mga mahahalagang datos gaya ng kagutuman at empleyo.
“Gagamit na nga lang ng datos para magmukhang kapani-paniwala, kulang-kulang pa,” ani Labog.
Sinabi ng KMU na matagal nang kumbinsido ang sambayanan na patuloy na lumalala ang kahirapan sa ilalim ni Gloria. Trumiple ang presyo ng bigas, dumoble ang presyo ng asukal, at humigit triple ang tinaas ng diesel mula 2001. Mahigit 4,000 Pilipino din ang napipilitang mangibang bansa araw-araw para maghanap ng trabaho dahil sa matinding kakulangan at mababang kalidad ng empleyo sa bansa.
“Lalong mahirap sikmurain ang mga sinasabi ng legacy ads sa panahon ngayon dahil sa patuloy na nagtataasan ang presyo ng langis, bigas at asukal, habang isa sa bawat apat na pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng gutom. Sobrang manhid lang talaga ng rehimen ni Arroyo,” ani Labog.
Nagbabala rin ang KMU na gagamitin lamang ang buwis ng mamamayan para sa marami pang legacy ads para pondohan ang kampanya ng mga manok ng Malakanyang, gaya ni Gibo Teodoro. Mapapansing ang titulo ng lumabas na legacy ads ay gumamit pa ng initials na GT: Ganito Tayo Noon, Ganito Tayo Ngayon. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed