Skip to main content

Juan, nasa ‘hungerland’ dahil sa kawalang-trabaho, bagsak na agrikultura – KMU

Gutom, lalong lalaganap dahil sa pagtaas ng presyo

Matinding kawalang-trabaho, di tumataas na sahod, at papaliit na paglago ng agrikultura ang nagparami ng nagugutom nang pinakamataas sa kasaysayan, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno. Dahil dito, isang “hungerland” ang Pilipinas, sa kabila ng pagsisikap ng rehimeng Arroyo na pagmukhaing nasa “wonderland” ang bansa.
Ayon sa KMU, ang resulta ng huling survey ng SWS, na nagpakitang isa sa bawat apat na pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom noong nakaraang buwan, ay hindi pwedeng isisi sa pinsalang dulot ng mga bagyong “Ondoy” at “Pepeng” lang. Ayon sa grupo, sa simula’t sapul pa lang, bigo ang gobyernong Arroyo na lumikha ng disenteng trabaho at palaguin ang agrikultura. 
“Paano naman aasahan ng gobyernong Arroyo na makakaiwas sa gutom ang mga Pinoy kung isa sa bawat apat na Pinoy ang walang trabaho o may trabaho nga, pero mababa naman ang sahod at panandalian lang ang trabaho? Paano magiging sapat ang pagkain kung nakatuon ang agrikultura sa pagprodyus ng mga hindi pagkain para i-eksport, habang nakaasa tayo sa in-import ng bigas?” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU. 
“Maling sabihing dumami ang mga nagugutom na Pinoy dahil sa mga bagyo. Ang totoo, si Arroyo ang nagdulot ng pinakamatinding pinsala sa kabuhayan ng mga Pilipino sa pagpapatupad ng malawakang tanggalan at pagiging kakutsaba sa pagkamkam ng lupa sa mga probinsya,” dagdag niya. 
Sabi pa ni Labog, dalawang taon nang hindi tumataas ang minimum na sahod sa bansa habang ilang beses nang sumirit ang presyo ng batayang mga bilihin at gasolina, kaya hirap ang mga manggagawa na makakain ng kahit dalawang beses man lang sa isang araw. 
Samantala, pinapalayas ang mga magsasaka sa kanilang kabuhayan ng pag-convert sa mga lupaing agrikultural para maging mga subdibisyon at leisure areas – na hindi naman makakatanggal ng gutom. Isang paliwanag ito sa pagbagsak ng produksyong agrikultural nang 1.5% noong 2009.
Mas matindi pang gutom
Babala ng KMU, nagbabadya ang bagong serye ng pagtaas ng presyo ng gasolina, bigas at harina ng mas matinding datos ng kagutuman sa darating na mga linggo. 
“Sa muling pagtaas ng mga presyo ng batayang mga bilihin, ipinapakitang muli ng mga neoliberal na patakarang deregulasyon, pribatisasyon at liberalisasyon ang pangil nila, ngumangasab sa anumang natitira sa ating mga bulsa.”
“Babala namin kay Gloria Arroyo: itinuturo sa mga Pilipino ng kawalang-aksyon niya sa pagtaas ng mga presyo na ang paglaban ang tanging paraan para busugin ang mga kumakalam na tiyan,” sabi niya. 
Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments