Sahod ng obrero, walang pinagbago mula noong huling Pasko
Related posts
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- Hindi pagbibigay ng dagdag sahod ngayong Mayo Uno ni PGMA, kinundena
- KMU sa Ecop: May tanggalan kahit walang dagdag-sahod
- Kakayahang bumili ng Pinoy, nabawasan ng sangkatlo sa ilalim ni Gloria
- Numero unong hiling ng obrero ngayong Pasko: Wakas ng paghihirap sa ilalim ni Arroyo
Tiyak ang kagutuman ng mga manggagawa ngayong kapaskuhan dahil sa pagkapako ng minimum na sahod buong taon sa lahat ng rehiyon kahit pa humagupit sa mga manggagagawa ang mas matinding krisis ngayong taon, ayon sa Kilusang Mayo Uno.
Sinabi ng KMU na sa panahon ng krisis, itinataas dapat ang sahod para makaagapay ang mga manggagawa. “Subalit pinili ng rehimeng Arroyo na higit pang ibaon sa hirap ang mga manggagawa gamit ang wage freeze buong taon. Dahil dito, kinakaharap ngayon ng obrero ang mas malalang Krisis-mas.”
“Gusto yata ni Arroyo na alikabok ang kainin namin ngayong Pasko dahil sa pagpapatupad niya ng wage free buong taon. Nananatiling ga-mumo ang aming sahod kahit pa ilang beses na nagtaas ang presyo ng mga bilihin. Bukod dito, libu-libong mga manggagawa pa ang tinanggal,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
Ayos sa ulat ng Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES), walang pinag-iba ang minimum na sahod ngayon kumpara noong nakaraang taon. Ipinatupad ang huling dagdag-sahod noong Mayo pa ng nakaraang taon, isang taon at kalahati na mula ngayon.
Sa parehong ulat, limang rehiyon ang may negatibong wage differentials, na nangangahulugang kumikita ng kulang sa itinakdang minimum wage rates ang mga manggagawa sa mga rehiyong iyon.
“Talagang nakapagngangalit ang rehimeng ito sa pagpapalusot na malulugi ang mga kumpanya sa tuwinang mananawagan kami ng dagdag-sahod, kahit pa ang mga manggagawa naman talaga ang biktima ng krisis. Kaming mga manggagawa ang tunay na pabagsak sa harap ng nagtataasang presyo at kakarampot na sahod,” ani Labog.
Ayon kay Labog, 227,000 lamang na manggagawa ang sinasaklaw ng Collective Bargaining Agreement (CBA), o 0.6 % lamang ng kabuuang bilang ng mga manggagawa. “At kahit sobrang limitado na ng pakikipagtawaran ng mga manggagawa, ibinabasura pa ng mga kumpanya ang mga panukalang dagdag-sahod sa mga CBA gamit ang krisis bilang gasgas na palusot.”
“Kahit nga iyong mga bonus at benefits eh tinatapyas ng mga kumpanya sa ngalan ng patuloy na pagpapalago ng tubo. Sa ganitong sitwasyon, isang luksang Pasko ang naghihintay sa mga manggagawa,” aniya.
Sinabi ng KMU na kalakhan ng sahod ng mga manggagawa ay ginagastos sa pagkain. “Kaya naman nangangahulugan ng mas kaunting pagkain sa pamilya ang pagkapako ng aming sahod,” ani Labog.
Tumaas ang annual inflation rate ng pagkain nitong Nobyembre sa 4.9 % mula 3.8 % noong Oktubre. Samantala, sumirit ang presyo ng mga gulay at prutas sa 13.7 %, habang nanatiling P30-40 ang presyo ng isang kilo ng bigas.
Ayon sa KMU, kinakailangan na maipasa sa kagyat ang P125-across-the-board na dagdag-sahod para sa minimum ay tulungang makaagapay ang mga manggagawa sa papatinding krisis.
“Matagal na naming ipinapanawagan ang legislated na dagdag-sahod. Subalit imbes na tugunan ng rehimeng Arroyo, wage freeze sa buong taon pa ang naging sagot nito habang nagpatupad naman ng bawas-sahod ang maraming kumpanya. Malinaw na kalupitan at pagmamalabis ito sa hanay naming mga manggagawa, kahit pa kami ang nagpapaandar sa ekonomiya ng bansa,” ani Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed