Sa harap ng takeover sa North Harbor: Hiling sa pasko ng obrero sa pier: Bagong TOR bago ang bagong taon
Error
Related posts
- Ports Authority, Manny Pangilinan, sinabihan: ilabas ang plano sa North Harbor
- Bagong taong walang trabaho,’ ipinrotesta ng obrero ng North Harbor
- Libu-libong manggagawa ng pier, lumusob ulit sa Malakanyang para igiit ang seguridad sa trabaho
- Manggagawa ng North Harbor, todo-bantay pa rin laban sa eskirol; Memo sa pagpapaliban ng takeover, panlalansi lang
- Dagdag na ‘seguridad’ sa North Harbor ilag araw bago ang takeover, kinondena ng KMU
Walang kinikilalang bakasyon ang paglaban para sa seguridad sa trabaho at pagkilala sa unyon, sa harap ng pagsasapribado ng pier, sa paglusob ngayong araw ng mga manggagawa ng North Harbor sa Malakanyang para igiit ang katiyakan sa trabaho na dapat lalamanin ng malinaw na Terms of Reference (TOR) kasama ang pribadong mga kumpanyang magte-takeover sa pier sa Enero.
Sa isang protesta sa Mendiola dalawang araw bago ang Pasko, tinuligsa ng mga manggagawa sa ilalim ng Alliance of Port/Transport Workers and Porters-North Harbor (APTWP-NH) at Kilusang Mayo Uno ang mga nanalong bidder – ang Metro Pacific Investments Corp (MPIC) at Harbour Centre Port Terminal Inc (HCPTI) – sa pagtutulak ng isang TOR “na nagtatago ng planong tanggalan sa pagiging malabo,” na dahilan ng pamumrublema ngayong Kapaskuhan.
“Nananawagan kami kay Mr. Manny Pangilinan ng MPIC at Mr. Regis Romero ng HCPTI na makipag-diyalogo sa mga manggagawa at residente ng North Harbor, na kinakatawan ng kanilang alyansa, para magkaroon ng malinaw na TOR na maglilingkod ng mga manggagawa at residente bago ang Bagong Taon,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairman ng KMU.
Ayon kay Labog, hanggang ngayon, malabo pa rin ang Philippine Ports Authority (PPA) at mga pribadong kumpanya tungkol sa panawagan ng mga manggagawa na walang matanggal sa trabaho at walang ma-demolish na bahay sa pier kapag todong ipinatupad na ang pribatisasyon.
“Malinaw ang panawagan ng mga manggagawa at residente ng pier: walang tanggalan at dapat may katiyakan sa trabaho, walang demolisyon at dapat kunin ang mga manininda sa bagong kaayusan sa pier. Dapat lamanin ang kasunduan sa TOR para may mapanghahawakan ang mga manggagawa at residente,” sabi ni Labog.
“Sa mahabang panahon, naglingkod ang mga manggagawa at residente sa pier. Hindi sila dapat ibasura na parang lumang basahan pagkatapos. Barbarismo ito, sa ngalan ng ‘modernisasyon’,” dagdag niya.
Mahigit 5,000 manggagawa at 2,000 manininda sa North Harbor ang nangangambang mawalan ng trabaho dahil sa pagpasa ng pier sa pribadong sektor. Mahigit 30,000 residente rin ang nahaharap sa pagpapalayas dahil sa pagpapalawak sa kalsada, na bahagi ng plano ng “modernisasyon.”
“Panawagan namin: Sana maganap na agad ang diyalogo, dahil nangangamba ang mga taong mawalan ng trabaho, tahanan at kabuhayan sa harap ng pagdiriwang ng bansa sa Pasko at pagsalubong natin sa Bagong Taon,” sabi ni Labog.
Sabi pa ng KMU, dapat maging sapat nang babala ang serye ng protestang inilunsad ng mga manggagawa sa pier simula noong Setyembre para baguhin ng mga nanalong bidder ang nakatindig na TOR at para gumalaw ang rehimeng Arroyo para pigilan ang nagbabantang tanggalan.
“Malinaw na pampulitikang pahayag ang malaking mobilisasyon nila ngayon. Handa silang paigtingin ang pakikibaka para sa katiyakan sa trabaho, tahanan at kabuhayan. Hindi sila maghihintay na manakawan ng karapatan ng PPA at ng mga nanalong bidder bago kumilos. Lalaban sila at karapat-dapat sila sa ating suporta,” dagdag ni Labog.
Sinabi ng KMU na ang pagsasapribado ay matagal nang ipinapatupad, simula noong administrasyong Arroyo bilang bahagi ng mga patakarang dikta ng mga institusyong hawak ng US, katulad ng World Bank, para magbawas ng manggagawa at ideregularisa ang paghamig ng tubo.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 42 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 5 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed