Skip to main content

Numero unong hiling ng obrero ngayong Pasko: Wakas ng paghihirap sa ilalim ni Arroyo

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileAJZyZT could not be copied.


Sa maraming maaring hilingin ng mga manggagawa ngayong Pasko, numero unong hiling ang “katapusan ng malagim na paghahari ng rehimeng Arroyo” dahil sa matinding paglapastangan nito sa karapatan at kabuhayan ng mga obrero, ayon sa Kilusang Mayo Uno.

“Malamig ang pasko ng mga manggagawa taun-taon dahil kay Arroyo. Pinanatili niyang barat ang aming sahod habang pinapatindi ang kawalan ng trabaho. Ginamit niya ang militar at pulisya para patayin at arestuhin ang mga unyonista, kaya maraming pamilya ng manggagawa ang di-kumpleto ngayong Pasko,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

Mula 2001, 93 lider-manggagawa at organisador ang pinaslang, samantalang halos isang daang manggagawa ang kinulong gamit ang mga gawa-gawang kaso. Ang 20 manggagawa ng Karnation Industries and Export, halimbawa, ay dalawang beses na nagpasko sa kulungan (2007 at 2008) matapos sampahan ng mga nilutong kaso dahil sa pagwewelga. Dalawa sa kanila ay namatay dahil sa sakit na nakuha sa kulungan.

“Kaya naman ang pagpapalayas kay Arroyo sa poder ay malaking kaginhawaan sa aming mga manggagawa – nangangahulugan ito ng pag-asang magkaroon kami ng disenteng Pasko, na matagal nang ipinagkait ng rehimeng ito.”

Higit pa sa pagpapatalsik sa pwesto kay Arroyo, sinabi ng lider-manggagawa na kinakailangan ding maibasura ang mga anti-manggagawang patakarang kanyang inilagak para pinsalain ang kabuhayan ng mga Pilipino.

“Ang patakaran ni Arroyo hinggil sa mas matinding kontraktwalisasyon, halimbawa, ay dapat ibasura ng susunod na administrasyon. Partikular sa mga dapat ibasura ang DOLE order No. 2, na nagbigay lisensya sa pwersahang pagpapaliban at reduced workhours, para mas mabigyang seguridad ang trabaho ng mga manggagawa,” ani Labog.

“Dapat ding wakasan ang kanyang patakarang wage freeze, dahil kung mananatiling nakapako ang aming sahod, malamang na kakarampot na Noche Buena pa rin ang pagsasaluhan namin sa mga susunod na taon, kung Noche Buena mang maituturing iyon,” dagdag niya.

Ayon sa KMU, halos dalawang taon nang nakapako ang minimum na sahod sa lahat ng rehiyon kahit pa matindi ang paghagupit ng krisis at patuloy ang pagtaas ng cost of living. Sa National Capital Region, halimbawa, nasa P912 ang cost of living samantalang P240 lang ang tunay na halaga ng minimum na sahod. #

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments