Leave with pay kailangan para makapag-parehistro ang mga manggagawa – KMU
Related posts
- Comelec, dapat umaksyon para maraming manggagawa ang makararehistro
- Dahil kalakhan ay anti-administrasyon: Comelec takot at kuripot sa pagrerehistro ng mas maraming botante– KMU
- Dagdag-sahod sa NCR, kakainin ng dagdag-pasahe sa MRT – KMU
- Dagdag-sahod sa NCR, kakainin ng dagdag-pasahe sa MRT – KMU
- Kontra sa anunsyong walang dagdag-sahod: Manggagawa, nagpiket sa DOLE
Walang saysay sa mga manggagawa ang ektensyon ng voters’ registration ng Commission on Elections’ (Comelec) kung hindi sila magkakaroon ng leave with pay, ayon sa Kilusang Mayo Uno.
Sinabi ng KMU na dapat maglabas ng direktiba ang DOLE na magpapahintulot sa lahat ng manggagawa na lumiban sa trabaho upang magpa-rehistro nang hindi inaalisan ng bayad.
“Kinakailangan ang leave with pay na ito dahil kinupot lang ng Comelec sa li-limang araw ang ekstensyon, at lahat pa ay araw ng trabaho (Dec. 21-23, 28-29),” ani Roger Soluta, pangakalahatang kalihim ng KMU.
“Dahil sa pagkakait ng benepisyo at pagkabansot ng sahod, hindi na kayang magsakripisyo ng maraming manggagawa ng isang araw o kahit ilang oras lang ng sahod nila para makapagpa-rehistro. Pang-Noche Buena nga, iniipon na namin bawat sentimo. Marami rin ang hindi pa nakaka-ahon sa pagkakasalanta nina Ondoy at Pepeng, kaya nga marami ang hindi na nakapag-parehistro noong unang deadline noong Oktubre,” ani Soluta.
“Ang mga hindi mabibigyan ng pagkakataong makapag-parehistro dahil sa shedule sa trabaho, napagkaitan na rin ng pagkakataong pumili ng mga papalit sa pinaka-kinasususklamang rehimen pagkatapos ni Marcos,” dagdag ni Soluta.
“Marami nang ipinagkait ang DOLE sa karapatan namin sa kabuhayan, seguridad sa trabaho, at disenteng sahod. Kung hindi nito didinggin ang kahilingan namin sa leave with pay, para na rin nitong ipnagkait ang karapatan naming bumoto,” ani Soluta. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed