KMU: P26.8 M DOLE entertainment spending – hindi entertaining
Error
Related posts
- KMU: P26.8 M DOLE entertainment spending – not entertaining
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- Giit ng KMU: Kagyat na aksyon ng gobyerno para pigilan ang marami pang tanggalan
- Patrabahong emergency, bitag sa kahirapan – KMU
- Leave with pay kailangan para makapag-parehistro ang mga manggagawa – KMU
Kinondena ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa paggastos ng P26.8 Milyon para sa “entertainment” noong 2008, na iniulat kamakailan ng Commission on Audit. Ayon sa KMU, ang pagkuha sa kabang-bayan ng pambayad sa maluluhong pagkain ay “hindi entertaining.”
Ibinunyag ng COA na ginastos ng mga opisyal ng DOLE ang nasabing halaga sa entertainment – sa pangunguna ng secretary nitong si Marianito Roque, mga undersecretary at assistant secretary sa halagang P12 M.
Mismong COA ang nagsabing ginasta ang halaga “nang walang pakundangan, matalinong paghusga, at pagtitipid.” Pinansin nitong ang mga pulong “ay ginagawa halos araw-araw, ang ilan ay tatlong beses pa sa isang araw sa iba’t ibang lugar.”
“Hindi ito entertaining – hinding-hindi,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU. “Nakaka-bula ng bibig ang mga kinain nila.”
“Nagdiwang ba sila? Kung oo, bakit? Bago pa man pumutok ang pang-ekonomiyang krisis noong Set. 2008, kakarampot na ang trabaho sa bansa. Ipinagdiwang ba nila ang pagsupil sa kilusang paggawa sa nakaraang mga taon? Ang pagpatay kay Jerry Cristobal, dating pangulo ng unyon sa EMI-Yazaki, noong Marso 10, 2008?” tanong ni Labog.
“Tila ipinagdiwang ng mga opisyal ng DOLE ang pagkawala ng trabaho at seguridad sa trabaho, gayundin ang pagsupil sa kilusang paggawa,” sabi ni Labog.
Sinabi pa niya na dapat napunta ang halaga sa P20,000 kagyat na ginhawa para sa mga manggagawa na ipinanawagan ng KMU matapos ang mga bagyong Ondoy at Pepeng. “Napunta na lang sana ang halaga sa 1,344 benepisyaryo. O kaya, naipambili ng mahigit 896,000 kilo ng bigas,” sabi niya.
Ayon sa lider-obrero, “Ipinapakita ng ulat ng COA na may mga little Gloria sa DOLE na mayroong mga little Le Cirque. Heto na naman ang patunay na ang kabulukan sa tuktok ng gobyerno ay kumalat na sa katawan. Talagang ‘little presidents’ sa kanilang ahensya ang mga opisyal ng DOLE.
“Pero may problema sila: Wala silang Danilo Suarez na ituturo,” sabi ni Labog, tinutukoy ang mambabatas ng Quezon na nagsabing siya ang nagbayad sa hapunan sa Le Cirque ni Gng. Arroyo. “Malinaw na pinagbayad nila ang gobyerno sa pagkain nila. Masyado nang huli para maghugas pa sila ng kamay ngayon.”
Tinuligsa rin ni Labog ang COA dahil nagrekomenda lang ito ng mga hakbangin sa DOLE para paghusayin ang paggamit nito sa pondo ng gobyerno sa hinaharap.
“Bakit nagrerekomenda lang ang COA ng mga hakbangin? Hawak nito ang ebidensyang nagpapakitang hindi wastong ginamit ng mga opisyal ng DOLE ang kabang-bayan. Dapat imbestigahan nito ang mga opisyal na sangkot, kasuhan sila at parusahan,” sabi ni Labog. #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 11 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed