Gloria, resign; CJ Puno, pwedeng pumalit – KMU
Related posts
- Showdown laban kay Gloria, paghandaan – KMU; Desisyon sa CJ, di pagdalo sa PNPA – patunay ng paghahanda sa no-proc
- Obrero, tiniyak kay Arroyo: Hindi ka matatahimik
- Obrero sa JBC: Labagin ang iligal na utos ni Gloria tungkol sa CJ
- Masamang biro: Arroyo bilang VP o House Speaker; Patuloy na kontrol sa gobyerno ang habol ni Arroyo
- Sa pag-init ng ulo sa maralita: Noli, dapat mag-sorry
Nanawagan ngayong araw ang militanteng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino na pwersahin si Gng. Arroyo na magbitiw sa pagkapangulo, dahil sa pagtakbo niya sa Kongreso sa halalang 2010. Ayon dito, pwedeng palitan siya ni Chief Justice Reynato Puno hanggang mailipat ang pagkapangulo sa kanyang kapalit sa susunod na taon.
Nag-file ng kandidatura niya si Gng. Arroyo para maging kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga – dahilan para manawagan ang iba’t ibang grupo at indibidwal, kasama ang matagal niyang alyadong si dating Pang. Fidel V. Ramos, na magbitiw siya sa pwesto.
“Dapat nang magbitiw si Gng. Arroyo. Tiyak, gagamitin na naman niya ang pagkapangulo para sa kanyang pakinabang sa eleksyon – at nagawa na niya iyan. Mahigit 50 beses na siyang nagpuntang Pampanga, namigay at gumawa ng kung anu-ano para magkaroon ng ‘pogi points’ sa mga botante doon,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Ang pinakamalaking kontrobersyang yumanig sa pagkapangulo niya ay kaugnay ng paggamit niya sa posisyon para manalo sa eleksyon. Dapat siyang pigilan sa paggawa ng Hello Garci Part 2, na may all-star Kapampangan cast,” dagdag ni Labog.
Tumugon din ang KMU sa pahayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ang pagbibitiw ni Gng. Arroyo sa pagkapangulo ay pagtalikod sa kanyang “sinumpaang tungkulin sa Konstitusyon.” Ayon kay Labog, “ipokrito” ang sinabing ito ni Ermita.
“May mga kasalanan sa Konstitusyon na di-hamak na mas mabigat kaysa pagtalikod ng pangulo sa kanyang sinumpaan sa Konstitusyon. Kasama na rito ang malawakang pandaraya, korupsyon at paglabag sa mga karapatang pantao. Ano ang mas masahol sa pagsuko ng tungkulin sa Konstitusyon? Ang gamitin ito para labagin ang Konstitusyon – na paulit-ulit nang nagawa ni Gng. Arroyo,” sabi ni Labog.
Pansamantalang pamalit
Tinuligsa rin ng lider-manggagawa si Rep. Danilo Suarez ng Quezon sa pagsasabing hindi pwedeng palitan ni Bise Presidente Noli de Castro si Gng. Arroyo, lalo na sa harap ng kahirapang pang-ekonomiya sa bansa.
“Puro katarantaduhan ang ipinapakain ng kongresistang ito sa bansa. Nagsimula siya sa pagsasabing siya ang nagbayad sa isang milyong pisong hapunan sa Le Cirque. Ngayon, gusto niyang palabasing si Noli lang ang pagpipilian natin,” sabi ni Labog.
“Ayaw din namin kay Noli. Napatunayan nang tahimik siyang kasabwat ni Gng. Arroyo sa pagpapatupad sa kriminal, tiwali, kontra-mamamayan at kontra-manggagawang mga patakaran nito. Nakinabang din siya sa pandarayang Hello Garci noong 2004,” dagdag ni Labog.
Itinuro ng lider-manggagawa si Puno, punong hukom ng Korte Suprema, bilang kapani-paniwala, kahit panandaliang, pamalit kay Gng. Arroyo.
“Kapani-paniwalang pamalit si CJ Puno kay Gng. Arroyo. Ang tingin sa kanya ng publiko, hindi makasarili at may integridad. Marami ang sasang-ayon na palitan niya, kahit pansamantala, ang pangulong makasarili at salaula sa bayan,” sabi ni Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed