EO 839, sirang dam na nagpapakawala ngayon ng matataas na presyo ng petrolyo - KMU
Related posts
- Piston kay PGMA: Parusahan ang Big 3 sa hindi pagrolbak!; Pagbasura sa Oil Deregulation Law, pinakamainam pa rin!
- KMU, Anakpawis kay Gloria, malalaking kumpanya ng langis: Tigilan na ang drama, huwag magkakamaling itaas uli ang presyo
- Oil shortage, palusot lang ng Big 3 – KMU; ‘OA na reaksyon sa pekeng gamot’
- Matapos ipagtanggol ang P1-M hapunan, Arroyo manhid sa pagtaas ng presyo ng langis
- Dahil P1 milyon ang gastos kapag kumakain: Gloria at Mikey, payag na payag lang sa taas-presyo ng LPG
Matapos malantad ang “kapekean” ng EO 839 ni Arroyo na nagbawal umano sa pagtaas ng presyo ng langis, maihahalintulad na ngayon sa isang sirang dam na nagpapakawala ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ang EO. Ginagamit ito ngayong palusot ng mga kumpanya ng langis para makapagpataas ng presyo at kita.
Ayon sa Kilusang Mayo Uno, binigyan ng EO 839 ang mga kumpanya ng langis ng lisensya para magkamal ng mas malaki pang supertubo dahil idinadahilan ngayon ng mga nasabing kumpanya na nalugi umano sila mula sa pagpataw ng “price freeze”. Tumaas ng P3.30 kada litro ang gasolina matapos ang ikatlo nang dagdag-presyo ngayong araw mula nang bawiin ang EO noong Nob. 16. Samantala, nasa P620 na ang presyo ng isang 11-kg na LPG bunga ng mga pagtaas.
“Tulad ng isang dam na dinisenyo para mawasak, inipon lamang ng EO 839 ang pagtaas ng presyo ng langis na kating-kating ipatupad noon ng mga kumpanya ng langis. Ngayon, pinapakawalan ng EO ang ragasa ng sunud-sunod na pagsirit ng presyo. Titak nitong pipinsalain lalo ang kabuhayan ng mga Pilipino na lubha nang sadlak mula krisis pang-ekonomiya at mga kalamidad,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Nagiging malinaw ngayon nadrama lang talaga ang pinalabas na alitan iArroyo at ng mga dambuhalang kumpanya ng langis, at ang naiwang luhaan ay ang sambayanan lang,” dagdag ni Labog.
Pinabulaanan din ni Labog ang sinasabing pagkalugi ng Big Three dahil sa EO 839. Aniya, sobra-sobra pa ang piniga nila mula sa mamamayan para mabawi ang kung ano mang kabawasan sa kanilang kita.
“Kung tutuusin, tumaas sa P7.6 bilyon ang kita ng Pilipinas Shell mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, samantalang tumaas din ang kita ng Petron sa P3.37 bilyon. Malinaw na pa ipinatupad ang EO sa buong bansa, sapat pa rin ang kinita nila taun-taon para hindi malugi,” ani Labog.
Sinabi ni Labog na pinapatunayan ng ganitong karanasan sa EO 839 na ang pagbasura sa Oil Deregulation Law ang tanging solusyon para tapusin ang di-maampat na pagtaas ng presyo ng langis.
Sipsip sa Sulu
Sinabi rin ng KMU na patuloy na nagpapalawig ang mga kumpanya ng langis ng kanilang pandarambong sa yaman ng bansa kasabay ng mga dagdag-presyo sa langis. Tampok na halimbawa ay ang kasalukuyang oil exploration Exxon Mobil, kumpanyang naka-base sa US, sa karagatan ng Sulu.
“Kamakailan lamang ay ipinagmalaki ng Exxon Mobil na nakatuklas ito ng petrolyo sa ilalim ng karagatan ng Sulu. Senyales ito ng mas matinding pagpiga at pang-aabuso sa yaman ng bansa para sa ganansya ng mga malalaking dayuhang korporasyon,” ani Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed