Big Three ang ‘Grinch’ ng Pasko – KMU; P4.50 dagdag-presyo sa langis sa panahon ng Pasko, walang kapatawaran
Error
Related posts
- Sahod ng obrero, walang pinagbago mula noong huling Pasko
- Matapos ipagtanggol ang P1-M hapunan, Arroyo manhid sa pagtaas ng presyo ng langis
- ‘Kahit kalamidad, hindi makaawat sa pagkaganid ng kartel’ – KMU
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- Bagyong dulot ng oil price hike, tuloy-tuloy ang pananalasa
“Kahit Kapaskuhan, hindi sinanto ng mga sakim na kumpanya ng langis – tatlong beses silang nagtaas-presyo nitong Disyembre, umabot sa P4.50 kada litrong dagdag-pasanin sa ating mga kababayang nagdiriwang ng Pasko.”
Binansagan ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, na “Grinch” ng Pasko ang tatlong malaking kumpanya ng langis matapos ang pinakahuli nilang pagtaas ng presyo noong Martes.
“Talagang gusto nilang gawing miserable ang buhay natin. Imbes na mamayani ang diwa ng kabutihan at pagbibigayan, ipinakikita ng oil cartel ang sukdulang pagsasamantala at pagkagahaman. Kaya hindi masisisi ang tao kung hirap din tayong ipakita ang diwa ng pag-unawa at pagpapatawad, dahil walang kapaliwanagan at walang kapatawaran ang ginawa ng Big 3,” ani Labog.
“Maraming pamilya ang ni hindi nakapag-Noche Buena dahil hindi kailanman nagtaas ang sahod sa taong ito at marami pa ang tinanggal sa trabaho. Ang ‘oil price hike’ pa naman ay nangangahulugan din ng ‘all price hike.’ Ito ang pinakamasahol na regalong natanggap natin ngayong Kapaskuhan,” dagdag ni Labog.
Bilang new year’s resolution, sinabi ni Labog na “kailangan nating arestuhin na ang Grinch na gumagambala sa atin, at tiyaking hindi na ito makakabalik. Tumanaw tayo ng mga susunod na Paskong wala nang oil cartel na sasabotahe dito.” #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 2 hours ago - The past employee who started
1 week 54 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 5 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed